Saturday, September 09, 2006

Kuntento

21 na ako at ano ang nangyayari sa buhay ko. Dapat magtino na ako. Sana maging normal na lang ako kasi feeling ko pa rin ay mayroon akong mision na dapat gawin.

Wala na lang akong inatupag kundi magbusybusyhan at mag-aral ng kung anu-ano na di ko naman alam kung mapapakinabanagan ko.

Thursday, June 29, 2006

Kay Tagal

Ngayon ko lang naalala ang dyornal na ito.

Hindi ko na kasi naiiupload yung iba... naialgay ko ba dito yung mga nanyari sa summer ko sa UPD saka yung nameet ko dahil problemado ako noong summer kaya nagbirthday ako sa UPD ng ,ag-iisa ang ang tao lang na iyon ang nakausap ko..Hindo ko pa rin naiilagay yung mga nangyari sa akin ngayon summer na ito sa yung birthday message ko sa sarili ko..21 na ako at katatapos lang ng debut kaya dapat ay mag mature na ako... kaso ang hirap iwanan ang pagkabata lalo n kung iyon lang ang tangin panahon na magkakatoo ang mga pangarap mong hindi mabigyang katotohanan kapag ikaw ay isang ganap ng adult...

Kaya nga sinabi ko noon na mas gusto kong mamatay ng bata para pag nasa langit, pwede pa rin akong mag laro at mag saya, ngunit kung matanda na akong nandun , wala lang akong gagawin kundi tumambay at alalahanin ang aking buhay sa lupa na puno ng makaundong bagay..at mga problema..at least pag bata, wala pa masyadong alalalahanin...

Naninibago ako ngayon sa sarili ko..medyo parang naging isang panibagong tao ako na di ko gusto.. ang dali kong makasakit ng ibang tao ng di ko sinasadya. di ko alam kung bakit...ganito ba ang tumatanda... hayyy!!

galit pa sa akin yung isang babae...hirap paamuhin..

Sunday, August 07, 2005

Dyornal

Saka ko na muna itutuloy yung istorya... balibalita muna.
Ilang buwan na akong di nagbloblog. may net na kasi sa bahay kaya pwede ko ng pagpuyatan.
Masaya na rin ako ngayon, mas gusto kong sumunod sa divine fiction kaysa sa wicked truth. Basta.
Naging presidente na nga ako at gusto kong bumawi sa mga katangahan ko. Mabait naman talaga ako, medyo kakaiba nga lang kaya napakamysterious. Minsan sobrang saya, pero sa loob ay sobrang lungkot. Mahirap ng walang miracle sa buhay, parang kulang at walang kulay. Masaya na rin ako sa pagiging single at kahit minsan ay di pa nagkakaGG. sayang na lang ang pagigingromantiko ko. (basahin n lang mga previous post, mas maganda kung sunoidsunod ang pagkakabasa) Hmmp. Kalimutan na yan. Mas masayang maging baliw.. He he he... Binabasa ko uli ung mga post ko. talagang desperado ako noon at naiencode ko ang ganong kahaba.

Tao lang din ako na nasasaktan at umiiyak, kaso ako ay kakaiba kasi nakangiti pa rin. Baliw nga daw ako at parang nakadrugs. Pinanganak siguro akong maging ganito. Sobrang intelektwal..he he he...
Panganay na dapat maging modelo pero isang taong lutang sa mundong ibabaw. Noong bata ako ay naniniwala ako na kaya kong iligtas ang mundo tulad nila Superman. Kakaiba ako, nasa puso ko pa rin ang pagiging kakaiba ko sa lahat ng tao.

The Sequel:: Part 1

Sige na nga gawin ko na, alas 2 na ng umaga.
Eto na... 5 4 3 2 1 ...

Halos 3 buwan na ng walang komunikasyon ang bidang lalaki at ang babae. Itago n lang natin ang lalaking Zyrus at ang babaeng, hmmm anong maganda.... Aurora. Ok na yan... Final. Yan. 5 4 3 2 1 ....


Naging pudpod sa pag-aaral si Zyrus. 3 buwan siyang secluded sa lahat ng kaibigan at mga ka org. Marami siyang ginawa para makalimot sa mga nangyari ng mga huling araw ng taon. Marso na at malapit ng matapos ang semestre.

Ang semestreng ito ang pinakakakaiba sa lahat. Dito ni Zyrus naranasan ang pinakamasasaklap na nangyari sa kanyang buhay. Maraming sakuna na mismong lugar na kanyang kinalakihan ay nilamon ng baha at sumikat sa dami ng namatay.

Ito ang semestre na nagpayanig sa pagkatao ni Zyrus. Dahil nga sa kanyang matinding pag-aaral ay kinarir niya ang subject n ang guro ay ang paborito ni Aurora. Matalino talaga ang guro kaso may isa siyang paniniwala na talagang tumamama sa isip ni Zyrus, ang kawalan ng Diyos. Ang pag-iisip na ito ay matagal ng nakatago sa ilalim ng pag-iisip ni Zyrus at ilang beses na niyang naitanong ngunit nilalabanan ng takot at denial. Ngunit sa dami ng problema na natatanggap ni Zyrus ay nasimulan niyang magalit sa Diyos hanggang sa tuluyang mawala ang paniniwala. Nang magsimula ang semestre, ang mga pag-iisip na ito ay pumapasok sa sa kanyaa. Sa katotohanan, sa semestreng ito niya naranasan na magsimba ng lingo-linggo na mgakakasunod sa loob ng 2 buwan n siyang pinakamatagal. Minsan, kahit hindi linggo ay napunta sa simbahan pagkatapos ng klase para maalis ito sa pag-iisip at upang itanong sa Diyos kung bakit sabay sabay ang mga pasakit niyang nararanasan. Madalas sa simbahan ngunit nandon lang at tulala at di nakikinig sa misa. Nakaupo kahit ang lahat ay nakatayo nakaluhod. Baliw na yata siya. Tanong ng tanong, araw-araw, lingo-linggo. Sa kahihintay ay tuluyang nawala ang pananampalataya hanggang sa itakwil ang paniniwalang may Diyos.

Malungkot ang semestre, nawalan ng taong minahal niya sa halos 5 o higit pang taon, nawalang ng Diyos na tanging sinasandalan at nasilayan pa ang lupit ng mga sakuna, sa mundo, at sa mismong bayan nya. Wala na si Zyrus na malapitan.

Maraming babae sa loob ng 3 buwan ang kanyang nagugustuhan. Ngunit iniiwasan sa paniniwalang iyon ay isang pandaraya lang upang makalimutan si Aurora. Nagkagusto siya, ngunit pinipigil ang sarili sa takot na makasakit ng iba. Si Anne ang unang nag-alis ng sakit, dahil sa kanya ay nahilig si Zyrus na maglagay ng keychain na manika sa bag. (he he he e.labo). Nagustuhan niya si Anne, ngunit natatakot siyang kumilos.

Natapos ang sem at na-uno ni Zyrus ang subject na nagpabago sa kanya. Isa lang ang taong nasabihan niya tungkol sa kanyang struggles, si Anne. Si Anne na kaklase niya sa subject na yon. Nagtataka si Zyrus kung bakit niya nagawa yun. Kakaiba ang sem kasi ang dami niyang uno sa kabila ng kalungkutan.

Masama ang alaala ng paaralan na iyon, nandun ang babaeng minahal niya ng matagal na panahon kaya gusto niyang tumakas. Nagpasya siyang magsummer sa Up Diliman. Nagpaalam sa mga magulang upang magkaroon ng pera.

Kailangan na niyang mag-transfer at sa summer aasikasuhin. 3 buwan n at kailangang tuluyang burahin ang mga alaala. Inaayos niya ang mga papeles at agad nmang natapos.

Isang text ang nagpabigla sa kanya, "Pwedeng samahan mo si Aurora sa UP Diliman kasi magsusummer siya dun, sabi ng mama mo ay magsusummer ka din kaya pwedeng alagaan mo siya kasi 1st time nya sa Maynila ng commute lang", he hehe, nanay pala ni Aurora. Walang hiya, isang kalokohan. Pero walang nagawa si Zyrus kundi sumunod, katulad ng lagi niyang ginagawa.

Itutuloy...

Napakasaklap

Ngayon n nga lang ako magsusulat uli,,nabura pa.. AHHhh.. haba na noon ah..

Yung fictional lab story pala na sinulat ko ay may sequel na ineencode ko nga kanina kaso biglang nabura...
Ang scene ay sa UP Diliman. Madrama yon at nandoon na ang pinakahuling pagtatagpo at talagang konklusyon.. Alay ko ang mga isusulat ko sa may bertdey bukas. Aug 9. Sana wag nyang mabasa ito kundi baka sugurin na naman ako ng mga relatives niya.

Sunday, March 27, 2005

Dyornal

6:26 AM 3/27/2005
Nagising ng maaga dahil sa sakit ng ulo. Hindi ko alam kung anong dahiln, ang lamig ba, ang pagod... Ngunit sa tagal ay bumangon din. Nagising sa lalim ng pag-iisip. Naalala ko ang mga araw ko dito sa Baguio. Mga panahong tila pantasya lang. Masaya, masarap ang paligid, malamig na gustong-gusto ko.
Linggo ng pagkabuhay ngayon at nalampasan ko ang biyernes santo na kakaiba sa lahat ng aking naranasan. Sa totoo lang, ilang taon na ako pero di ko pa rin nasisilayan ang mga tradisyon sa ganitong panahon. ANg pinitensya daw na madugo sa likod. Noong bata ako, hindi ako nakakalabas ngunit ng dumating ako sa panahon na maari ko ng makita, lagi kami ng aking magulang pumupunta sa bukid para daw makisabay sa paghiirap ni Hesus. Talaga ngang paghihirap, may pasan-pasan kaming mga prutas pag-uwi na halos mananakit ang iyong likod sa bigat at layo ng nilalakad. Sabi, niya, kailangan din daw namin maranasan ang mga paghihirap noon para magkaroon kami ng pagpapahalaga sa mga natatamo namin. Ngunit, sa akin, parang lalo akonh natakot sa hirap pala ng katayuan ng aking mga magulang ng kanilang kabataan.
Kakaiba ang linggo ng pagkabuhay na ito dahil wala ako sa aming lugar upang makasama ang akingpamilya. Tdati-rati, kapag dumadating ang ganitong panahon, ang naalala ko ay itlog... Bakit nga ba itlog, eh ang alam ko ay linggo ng muling pagkabuhay ni Hesus. Ngnit dahil sa tradisyon, wala tayong tinatanong, dahil sa tradisyon, tayo ay sumusunod.
Tatlong taon na ako dito sa baguio, ngunit sa mga panahong ito ko lamang narealize ang mga natatamo kong ito. May mga kaibigan, may mga kakilala, may mga nakakangitian kapag may nasasalubong.
Ngunit parang kulang pa rin.
Kakaiba ang sem na ito sa akin... Maraming, kalungkutan, maraming kasiyahan... at lahat kumbaga ay nasa tuktok na ng lahat. Masama lang siguro ang naging mood ko dahil sa mga dumating na sunod-sunod na kaguluhan at sakuna. Ang lugar kong kinalakihan ay nakaranas ng malaking baha na pumatay ng maraming tao. Nakakapanghinayang na wala ako sa lugar na iyon upang maranasan ko rin ang mga paghihirap ng mga naiwan ko. Dumating ang Dec 26, na nagkatidal wave sa Southeast asia, kaparehong araw ng magkaroon din ng tidal wave sa lugar kong nilakihan mga lampas 200 taon na ang nakakaraan. Tinawag nilan iyong Tromba Marina na sinasabing halos ubusin ang lahat ng tao sa aming lugar. Mahal na mahal ko ang lugar na iyon kahit ang aming pamilya ay mga migrants lang doon.
------------------

My Family and Hometown

Ito ay journal ko nung bata pa ako... ginawa ko para may nakakaalam naman na nag-eexist ako.Syensya n sa grammar. Bobo pa kao nung bata pa ako. Buti buhay pa.

I am the eldest among my parent’s four children. The two elders are boys and the others are (obvious) sisters. It is hard to that way. You’ll be always the one to go first. You are like a dummy to test the dangers of life first. That is what I feel. It is even harder to be only two years older to another boy who is much smarter than you and knows all the philosophical principles in this world. It really makes me *** (no words to explain) myself. It is even harder than the hardest when he is a year advance in his academic life and wherever you go, your parents makes him follow you. Get it! I am really a dummy....
I think I lost my respect from all of my siblings. They don’t follow me anymore. I can’t control them anymore, as time passes, they become larger and larger and smarter and smarter to answer back most of my guidance. They don’t believe on much of my words anymore. I think it’s Karma for me. I also losing my respect to my father when I hear him says those hurtful words to my mother. I’m much closer to my mother than to my father. My father and I don’t talk much but we fight most of the time specially when he makes my mother cry. He is a very practical man and he doesn’t let feelings fool his decisions.
My father is a good leader in our community. He is humble and the people love him. He believes, make the simple people feel happy and appreciated because they are the ones who will treat you as a godly super being unlike the elites that don’t appreciate much. He is respected in our place as a good model because of what he achieved from being that man from a simple family.
My father was in the army for a very long time and he entered that vocation when he was about 15 years old. He was from a fishing family. I think in Ilocos, I don’t know much about his childhood, but he said, he was a good swimmer, the best in their town. As a soldier, he got into the deepest and most dangerous part of the country. He was assigned in Jolo Sulu for some years, battled against the Muslim rebels. It makes me laugh when I look at his pictures wearing those ethnic outfit and when he speak those languages/dialect he learned from living in those places. A few years after he married my mother, he shifted to become a policeman in our town.
He met my mother in that town almost 25 years ago. My mother was born in Mindoro Oriental. My mom was from a poor family and seventh from the eight children. I look as her a the Joshua of the family. She was about a year old when her father died.

I don’t know how they came across but the question is why in that tiny blah blah place. That town was far from civilization, surrounded by the Pacific ocean on the east, the largest in the world, if you don’t know and the Sierra Madre mountain ranges on all the other sides. It is secluded from all the other civilization in Luzon. Do you know that the last Spanish settlement in the Philippines was in there? (after Aguinaldo conquered ...) And those soldiers that were left because of slow flow of communication were the ones who took siege in the Church for almost a year. They had only known that a new colonizer was ruling the land after a year in that holy asylum. Even the land in the south, got the news a way earlier than this town.
But I love this town. Beautiful beaches shapes like a crescent surrounding the blue sea with lots of fish living in reefs and mahogany trees. It is now becoming famous for some surfers around the Philippines and the world. My province is full of partitioned paradise in their on way. There are falls, streams. The cleanest among what my cousin had seen in his life. You can see the bottom with some of the rocks that differs in color and shape.
I remember watching a movie entitled “Virgin Forest” starring ( already dead actor). The moviewas about an illustrado, a whore and a native being hostage by American(?) soldiers trying to capture Emilio Aguinaldo in Isabela. Isabela is a neighbor province of my province just located on north-west of it. Its good to see the past of your town, because it makes you feel who you are. Though our family rooted from different places. I love it more than other places in the world. I also love the warm hearts of my kababayans and that suiting to the soul accent. We are known for that way of talking. For others it is funny but when they come along with us. They will surely inherit, not just the words or the tone, but the softness of the heart.

The Crossroad

Ginawa ko ito nung bata pa ako sa sobrang daming magawa....
Medyo nakakatawa pa nga yung English ko. Pero praktis lang.
May mga time naman tayong lahat na naging ganito rin...

It was Friday (June 5, 1998), tomorrow would be my birthday, I was 12 years old then but my mind thinks as if I was 20 years old. A few more hours and all my life would change, I would become a teenager. For me that meant, I’ll have to behave like a teenager, of course. I have foreseen my life, I thought…, I had learned from watching so many movies that being an adult is a very risky job,. You’ll feel all the sorrows that was being hidden to you when you were still young when all your life was a fantasy. A life where you are the protagonist, you are the hero, and birds sing, only for you to accomplish your adventurous life. This was one of my fears. I knew that when I grow up, I will leave my world, that world, my virtual world.
I love day dreaming, most of my time in school was spent looking outside the window. I love staring at the green, lush leaves of those plants in that garden not faraway from the room. I love dreaming of taking a walk along a path that I made because of my frequent treading in the mountain that I can always see, from my seat.
I was born outside the main town, but not that far. Our house is located beside a wide open field, where cows and horses can eat their grass. Maybe this is the reason I love the mahogany tree (i was addicted by its not very interesting smell), and the nature itself. We don’t have much neighbors, actually, what I mean is a family that can associate with us and talk sometimes about anything. The front of our house is a government office and all the children that go there leave at night, so I don’t have enough time to meet them. At the right side of our house is a rice mill and it always makes noise when you feel you want to take a nap. It also exhausts a lot of dusts that will make me always clean my things. We were the first family to settle on that part of the barangay. We had family neighbors before but they all just last only few years then they leave to find another place. All the others that temporary stayed were workers of the mill.
If I wanted to play with other kids, I would walk a few blocks to get to the house of the Bullozos. It is very big family, Mr. and Mrs Bullozo loves children, and in fact they have 12 children now, and I believe their family will grow even larger. They are friends of my family, my father and Mr. Bullozo are close friends. They love drinking (wine of course "drinking session") together, with other drinkers in the sittio. My father loves to host a wine drinking session, (cool term isnt it) yes inuman nga!. Though he doesn’t drink much but he always prepares lots of pulutan. I’ve never seen him too drunk again after he was bitten by our dog Maxwell, when I was about 5. He is a good cook, much better than my Mom. My mom rather stay with dogs.
We have lots of dogs, maybe about nine. The part of the road along our side is known for dogs chasing all the tricycles that come across the way. Mother spent so much time feeding the dogs. It is in our family’s tradition to get left over fish and meat in the market just to feed these monster eaters. Yes, they eat a lot. Each of them eat more than we do, and If we miss to get those meet in the market. My mother will scold us and make us cook rice for them. Imagine feeding these dogs that sometimes what they eat are fresher than ours. These dogs are very lucky.
I can’t blame my mom. Dogs are part of our lives and all of them came from my mother’s first pup that was given to her when she was still single. I think the pup’s name was Twinkle and my mother sold her when she became sick and tried to bit someone.
My childhood was a blurry fantasy, much like an illusion that will surely fade. I loved being a kid with lots of dreams. And still now, i consider my self a kid (in heart of course) I hate leaving this identity of mine. Going to adulthood seems to be a land of no return. There is no turning back. This was the moment, the crossroad of my life. (sounds like a song)
These were my choices, my possible paths. The one was to grow older and become famous for making an invention that can make a real change in the world. I envy this man that invented the violin when he was still 13 years old. I always wished to make something relevant in my younger years, but I couldn’t. This was my other choice. It was kind of stupid but I really wanted to die that night but I can’t let myself do it or else the essence of my death will be wasteful. I wished someone would kill me. This was my reason, I wanted to go to heaven at an early age, at an age that I could play in the golden fields, climb those trees with lots of delicious fruits awaiting my presence. Be with those animals that God created for me to play with. The heaven is a very nice place to continue my adventures and I will not grow up. I knew that if I die an adult, I can’t bring my precious ... things.., my things and my, my love one. Most of the adult’s happiness can’t be brought in heaven. You can’t have sex anymore; you can’t have a romantic relationship because heaven’s love is for all. Everybody are friends of each other and no other grouping containing of only two hearts may exist. What would I do in heaven as man, just sit in the golden fields and stare at the creations of God all day? My mind would be limited unlike my childhood days that are full of new adventures waiting for me. If I killed myself, I would surely go to hell. Hmm, I never thought that it would be a nice place to continue my adventures there. But what am I today, luckily I continue to live, a simple life nothing special about but I brought my childlike imagination to give my existence an essence.

Saturday, March 05, 2005

Dyornal

12:37 AM 3/5/2005

Ang dami kong kagalit ngayon. Kapatid ko, kaibigan ko , kabahay ko. Maraming naiinip sa akin. Siguro dahil sa kakaiba ako. Kakaiba talaga ako ng mga buwan na ito. Kahit ako ay hindi ko makilala ang sarili ko. Hindi organized ang buhay ko katulad ng mga gamit ko at higaan ko. Mabuti na lang at pumapasa pa rin ako sa mga klase. Isa nga ako sa mga kinungratulate nung teacher namin sa MS11. Siguro naimpress sa gawa ko kahit hindi ako gaanong nakikiimik at nakikihalubilo sa klase. Msarap din palang mag-isa. Wala kang aasahan, lahat ay ikaw ang may kontrol. Ako lang mag-isa lagi sa class na iyon. wala akong gaanong kakilala. Lagi akong nasa isang tabi na nakatanga at nagdradrawing ng mga nakikita ko. Exam namin bukas sa CS142. Medyo mahirap kasi puro proving. Kapareho nung subject naming CS55 na pure math na hindi pa naman noon napagaaralan ng mga math major. Muntik na ako dung bumagsak pero mabait si sir Bugs at pinasa pa rin ako. Kaya kahit boring siyang magturo ay matataas ang binibigay ko sa kanya pag-evaluation. Tinext ko kanina si Dhin at sinabi niya na Tayaw pala si Ms. D. Nalaman ko na ang pangalan niya. Vina Bernelli yata. Ibig sabihin ay tama si Marvin sa sinasabi niya. Ewan ko nga kung siya nga yung hula niya. Pero wala yun. Wala akong pag-asa dun. Anim na raw ang nanligaw doon at halos lahat sila ay umiinom daw yata ngayon. Ako, wala lang akong ginawa kundi sumulat ng pasasalamat. Wala naman akong balak kasi alam kng walang pag-asa. Nagpasalamat lang ako sa kanaya sa pagliliberate sa akin mula sa mga malulungkot na nangyari sa akin ng DEcember. Si LALA, maayos naman na siya ngayon. Medyo umiiwas nga lang kami sa isa't-isa kapag nagkakasalubong sa school. Ang liit talaga ng school namin na halos magkatabi lang pala kami,. Alam ko naman na kaya niya ako nilalayuan ay para hindi naman ako masyadong masaktan. Ang bait talaga niya. Nung isang araw, sinundo ako nila Tobit sa school at sabay kaming naglakadlakad sa Session. Session in bloom na pala. Nakita namin si Elcid, at habang papalapit kami sa kanya ay sumulpot naman ang dalawang kambal tuko na si Lala at Pauline. Nag-uusap uli kami ni LAla, pero kapag kasama lang sina Tobit. Nagngingitian pa nga. Nagbalak yata sina Tobit at Dennis kasi bigla silang nagpaalam na may pupuntahan. Sabi nila ay ihatid ko sila LAla para naman may tagapagtanggol sila kapag may humarang. Ayos lang sa akin ang lahat pero feel ko naman na parang umiiwas siya. Humanap na lang ako ng paraan para sabihin ko na hindi ako pwede. Tapos umalis na naga ang dalwang babae. Naiwan kami ni Elcid at inakit ko na lang siyang kumain sa 7/11. Pagkatapos ay nagkita sila ng kanyang mga kasama at naiwan akong mag-isa. Halos isang oras akong palakad-lakad at nagmumukmok. Gusto ko mangmalimutan na ang mga nangyari noong December ay bumabalik parin sa akin. Kahit nagpipilit akong ngumiti. Napapaiyak ako habang naglalakad. Sumakay ng jeep sa tabi ng driver at nakasandal ang katawan sa may pintuan habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Ang tagal mapuno kaya marami akong naiisip, masaya at malungkot. Dumating ako sa bahay, walang ganang kumain na naman. Hindi pala epektibo ang kain ng kain sa paglimot. Ginawa ko na ang paraan na ito ng buong January kaso mabilis naubos yung pera pero tumaba naman ako. Lagi dapat masaya para walang problema. Nasa sala lang, walang ganang kumilos. Nalulungkot man ay dapat maging masaya sa harap ng marami. Ang masakara kong iyon ang lagi kong ginagamit. Dumating yung isa naming kabahay... Nagtampo na kung bakit hindi pa raw ako nag-iipon ng tubig. Halatang matagal na niyang planong sabihin iyon sa akin. Pero wala talaga akong kabuhay-buhay. Lumipat kasi kami sa bahay na ito na sirang-sira pa ako. Kanina rin ay nag-tampo na si Tobit dahil sa pagkain na naman. Napikon yata sa akin ang pinakamagaling mag-asar sa buong mundo. Pangalwang beses na naming nagtampuhan dahil sa pagkain. Una ay noong nasa gibraltar pa kami kasi ayaw kong mag-ambag kasi konti na lang ang pera ko at yung mga pinadalang pagkain ng mommy ko para sa akin ay naubos agad namin ng ilang araw lang. Tapos, nagalit siya dahil masyado raw akong madaya. Ewan ko lang kung sinong may katwiran sa amin. Pero sa totoo lang ay siya lang ang nakaaway ko ng ganoon kaya medyo naiintindihan ko na siya. Pero sa mga sobrang personal na kwentuhan ay walang kwenta si Tobit. Dati, nagkwekwento ako ng halos magdamag tungkol kay LAla pero tinulugan lang niya ako. Lalo pa naga kong binabagsak kapag nagsasabi ako. Kaya ito, sa sulat na lang nilalabas ang mga gustong sabihin. Galit din ang kapatid ko dahil wala raw akong pakikisama, hindi ako tumigil sa pagigitara at sutil. Ewan ko lang, pero trip ko ngayon ang maging sutil. Parang laging gusto ko ng away, gusto ko pag may nasalubong ako ay may mag-aakit ng away kahit madami pa sila at ilalabas ko lahat ng tensyon ko sa katawan. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naexcite sa isang gulo. Dati, noong bata ako, kapag may nakita o narinig na akong nagtatakbuhan ay kinakabahan na ako.

Sunday, February 20, 2005

Dyornal

3:54 PM 2/20/2005
Walang hiya...nasira na naman ang aking hardisk. Nabura yung mga magagandang music na nakopya kay Felix. Stupidd... Walang hiya, yung mga journal ko ay nabura din. Mabuti na lang at nailagay ko yung mga mahahalaga sa net. Talagang ayaw ko ng magsave dito sa hardisk na ito. Naiiyak na naman ako. Bat kasi may sira yung hardisk. Mas maganda pa kung ang gamit ko ay simpleng computer na matino. Malas talaga ang buong buwan ko pagkatapos ng pasko. Lahat na lang ng nagyayaring masama ay pure extremes. Simula ng bago kong journal. Bakit dati ay masaya lang pag nasa harp ako ng PC. Parang mabubuhay ako ng ito lang ang kaharap ko. Nagkamali ako kasi wala na siya. Hindi ko mabukasan yung isang profile folder. Nandun yung iba kong journal. Sana may net na lang para sa net ay mas safe magstore. Mabuti na lang at nakasurvive yung mga videos at pictures kong nakuha. Dapat ay magbackup na ako. Kailan uli kaya ako makakanakaw ng music. Karma NA naman.
Pasahan na bukas ng prototype at ito pa ang ginagawa ko. Nabura na nga yung mga nagawa ko kaya back from the start. Gusto kong magsimba para magkaDiyos naman ako kuno. Wala pa akong kapera-pera. Dumaan kanina si Hazel pero gitara lang ang nakuha. Nagdala pa ng malas. Nasira yung PC ko na NAMAN. Kagabi dumating na naman sina Tobit at nanood na naman ng Sassy Girl. Dalawang linggo na silang araw-araw pumupunta. Di ba sila nagsaaswa. Yung hinihintay kong si Lala, hindi dumating. Si MAc naman ay nasa baba. Kinuha lahat ng pera kaya tipid muna. Isang beses lang ako kumain ngayon. Puro pa hingi sa mga dumadalaw. Amoy pansit canton na ang utot ko. Damm it, what can do.!!! So stupid of me.! Wala na si Lalang magcocomfort kapag nasisira yung hardisk ko kaya iyak na lang ako. Hindi ako makapagfocus sa pagproprogram. Tanga-tanga talaga ang mga kablock ko na may babae na naman na nililink sa akin. Kahit saan talaga ako pumunta ay trinitrip. I hate being tripped. Shit... magagalit na naman si MAc. It is my fault again. Pinagalitan na nga ako nung Fri. Baka magalit din ako... Masarap ding mag-isa, kahit minsan kasi nagagawa ko ang mga gusto kong gawin. Sana magkanet na nga ako para may backup ako lagi. Sawa na akong mawalan ng files.
--------------------------

9:33 PM 2/20/2005shit! wala akong rereviewhin sa cs 125.
Bagsak na ito. HIndi ko pa maintindihan yung code ni rene. Sayang yung mga nagawa ko. Naiiyak na ako.! Wala pa akong pera kahit piso. Buti n lang at nakakabusog ang magcomputer. Sana pag dumating si mac marami na namang pagkain at pera. Natugtog pa yung Piano version ng First Love ni Utada Hikaru. Malulungkot pa yung music. Malas talagang hazel yan. Sabing wag ng kumopya ng music. Yan tuloy lalo pa kaming nawalan. Nasira na naman.... wala na si Lala na magcocomfort tungkol sa mga bagay-bagay. Malas.! Bat kasi may mga pagulo pa sa buhay.. Ang tanga-tanga ko kasi. Yan tuloy naunahan pa... Aanhin pa ang damo kung hindi ka naman kabayo. Hindi ako makapagprogram, di makapagreview, nawal yung mga playlist kong music. Mga sad songs pa angh natira. I never expected that it will happen again, this time... Sana. Buti na lang at may MS11 akong class, kahit malungkot ang buhay ko ay sumasaya kapag nakikita ko si tooot. Siya ang nagliberate sa akin. Shit, Damn..parang ang sarap magmura kaso napagalitan na naman ako nung isang araw. Masyado raw kaming maingay. Swerte pa sila kasi di ko pa gamit yung sub-woofer. Gaganti ako.! Naiinis na siguro sina kuya Ben sa akin. Di na ako naattend ng YFC. Halos 3 buwan na. Ako pa naman ang balak nilang gawing president next year. Ayaw kong maging president. HIndi sa akin bagay ang magsalita sa harap ng maraming tao. Mapapahiya lang ako at ang grupo. Nagawa ko na naman yung isa kong mission. Yung madala si Lala sa kahit isang meeting na YFC. Mas nauna pa naman siya sa aking sumali. YUng huli kong pagsama sa yfc ay nung naisama ko siya sa camp 3 sa aming volunteer na house building. Ano na kaya ang mukha nung lugar. Marami na kayang bahay dun. Ang saya-saya pa namin nun, kasi halos dalawang taon na hindi kami nag-uusap. Mas masaya nung magvideo-oke kami. He he he... ang dali talaga niyang matanga, lahat ng joke ko na hindi ko magawa sa iba ay effective sa kanya. Naranasan ko na naman na ihatid siya sa bahay niya. Nakakatawa talaga yun, di mo aakalain na napakalakas magtawa kasi sobrang tahimik. kAHIT ALAm kong end of the world na para sa akin,...hmmm. ang ganda ng music, carribean blue. Ang sarap makinig ng mga music ni Enya. Para akong nasa langit na. Naaaninag ko yung magandang dagat ng caribbean kahit di pa ako nakakapunta. Mas maganda,naaninang ko ang beach ng dicasalarin. Mas malapit, kaya kong puntahan kapag bakasyon sa baba. Pag bakasyon, kukunin ko yung digital camera ni mac tapos maghihiking akng mag-isa sa pag-asa. Kukunan ko ng picture yung white beaches. wala kasing dagat dito sa baguio. Puro lamig at pine tree at mga muslim at koreano at mga igorot at masasayang tao na parang paradise dito sa baguio. Nakakatawa lang kasi may nagrequest sa akin sa tickle na makipagkita, Mga tao talaga, mga desperadong mag hanap ng lovelife. Nacutan yata sa picyure ko doon. Tapos nilagay ko pa lahat ng katangahan ko sa net. Walang kabuhay-buhay. Habang buhay na lang akong hari ng sablay. Nakaktawa yung picture ni Dhin.Parang naghahanap na ng asawa. Pumose pa talaga sa studio. Ha ha ha.. kahit sino matatawa. Nagdamit pa talaga ng erotic.Ha ha ah ha! Wala na akong magawa sa pc na ito kasi ang pangit... Tinapos ko yung isa kong composition kanina. Ha ha ha, nung friday, tinatao0ng ni tobit kay dennis kung sino ang tumugtog nung ginigitara ko. Uto-uto, composition ko iyon. Ang galing ko naman, napagkakamalaang gawa ng mga tunay na artist yung mga composition ko. Sana naman ay di mabura itong journal ko di tulad nung mga dati. Msarap kasing bashin yung mga naiisip mo ng mga nakaraang araw kahit minsan ay nakakatawa at corny. Wala na akong magawa kahit alam kong maraming dapat gawin.PArang ako lang yata ang ganito ang pag-iisip, puro kasi busy ang lahat ng tao sa kanilang gingawa, di man lang sila mag meditate kahit ilang oras lang. Walang hiya, napaiyak ako kanina habang nandito si hazel. Sana ay wag nyang ipagsabi. Di ko na anpigilang umiyak. Wala pa naman sa akig nakakitang umiiyak. Bakit kaya, napakamalungkutin ko after this christmas. Siguro dahil sa mga nangyaring tragedies nung vacation. Dati naman, di ako basta umiiyak kahit hindi na ako nakain ng isang linggo. Kahit yung naholdap ako at nabugbog. Napakalayas ko kasi. Ang dami kong naisusulat. sana ganito rin kapag nagawa ng paper kapag fil 30. Walang hiya yung paper nung thursday. Minimum ay 27 pages. 7 lang ang nagawa ko. 1 out of 4 na ipapasa. Makakapasa pa kaya ako. walng magawa kundi maggitara. Kinuha pa ni hazel yung isa. shit! may electric nga, wala namang cord para sa speaker. Matutuloy kaya yung plano naming banda. MAs magling pa naman kami kaysa sa ibang ngkakaalbum. Pangkal sila.

Sunday, February 13, 2005

:: A Love Story (epilogue)

Lumipas ang mga araw at padalang na ng padalang ang aming pag-uusap. Lumipas ang ilang linggo ay nagkita-kita kaming magkabayan at napagdesiyunan na magkaroon ng gimik sa bahay. Nagkikita kami na parang walang nangyari ng Christmas vacation. Nagbabalak kaming magkapatid na lumipat sa bahay na mas malapit sa kalsada. Magandang balita daw kasi lalong lumapit kina lala at makakabahay namin si Tobit. Mapapadalas ang aming pagkikita-kita at pagsasaya. Naging sunod-sunod ang aming mga paglalakwatsa. Ngunit ang huli ay doon sa kwartong balak naming lipatan. Naging masaya kami ng gabing iyon kasabay ng mga awiting luma at ng aking kaibigang gitara. Masaya ako para kay Lala kasi masaya siya ng gabing iyon kahit alam kong ako ang mag-sasakripisyo. Pagkalipas ng ilang araw ay lumipat na kami ng bahay ngunit hindi sa kwartong iyon. Lumipat kami sa isang lugar na medyo malayo sa kabihasnan. Malalamig ang bawat gabi. Pinakamalamig sa lahat ng kwartong tinulugan ko.(Literally) Nasanay na akong mag-isa at bumabalik na ako sa katotohanan. Matatapos na ang maliligaya kong araw. Nakikita ko ang kahulugan ng lahat ng awit na pinapatugtog ko. Nakikita ko ang nararandaman ng Sugarfree ng sinusulat nila ang awit nilang Burn Out. “Kay tagal din kitang minahal,… kay tagal din kitang mamahalin”. Sana nga lang, ang mga sumulat ng mga awiting nagbibigay sa akin ng ginhawa ay tunay ang kanilang ibig sabihin sa bawat linya nilang idinadagdag. Binuksan ko ang computer at tiningnan ko ang picture naming magkakasama. Naalala ko na naman ang tshirt niya na may agila. Sa ngayon, lagi kong suot ang aking damit na ganon din ang tatak. Nakikita ko sa mga letrato ko ang tshirt na yon. Madalas ko palang isuot iyon kagaya ng pagsuot ni Lala sa kanyang damit. Masaya ako ng dinedesign namin ang tatak na yon noong high school pa kami. Binasa ko ang listahan ng mga musikang binigay ko sa kanya. Kasama doon ang mga rekordings namin ni Tobit, ngunit nandon din pala ang ilang kong komposisyon. Isa-isa kong pinakinggan. Unti-unting tumitimo sa akin ang kahulugan ng mga komposisyon na iyon samantalang hindi ko naman pinag-isipan ang bawat liriko. Ng sinusulat ko iyon ay kusa lang pumapasok sa aking isipanang bawat salita.

Walang Katulad
Ako!
Intro,
Verse ,Chorus
G - D/F#-Em-C9
Bridge Em-C9 G - D/F#

CHORUS:
Maghapon,
nakatunganga
Nakatitig sa naiiba mong mukha
Walang katulad,
walang kawangis
Ang iyong dalang tamis

Oh bakit sa maghapong naghihintay
Hindi ko man lang magawang mainip
Ngunit kailangan bang malaman o masabi
Kung ano ba talaga ang naririnigSa loob ng aking dibdib

(CHORUS)
Ang araw ay palubog na
Ngunit walang pagod na nadarama
Sa haba ng araw na tila kulang pa
Sa sinag ng langit, nakakaantok pag may iskwela
Walang epekto sa ganda mong bumubuhat sa mata

(CHORUS)

Ngunit sa haba ng panaginip
At sa makukulay na ngiti
Maraming ibon na ang nakatali (wala pang tamang lyrics, bahala ka kung anong gusto mo )At sa katotohanang di na maaaring

(CHORUS)
Last 2 lines of chorus
Chorus
1st 3 lines of
CHORUS
Ganon din ang iyong dalang sakit

Coincidence na naman, ginawa ko ito ng mga May ng 2004 ng walang dahilan. Gusto ko lang magcompose para may maipakita naman ako kay Tobit na mayroon din ako. Mayabang kasi yung taong iyon na sabi niya ay magaganda ang kanyang mga gawa.

LESSON:::(prang Jerry Springer show)
Hindi pala kailangan pag-isipang mabuti ang pagsulat sa isang awitin. Kusang dumadating sa atin ang bawat titik kasabay ng daloy ng ating puso at emosyon. Hindi ko inaasahang pagkalipas ng pitong buwan ng sinulat ko ang awiting ito ay magkakatotoo. Lumipas ang mga araw. Naipapakita na rin ni Lala ang kanilang relasyon sa publiko. Wala na siyang dapat ipagtago. Ako na lang ang natitirang kailangang gumalaw para ayusin ang mga nasa paligid ko. Gusto kong baguhin na ang lahat at ipaalam sa mga kaibigan ang katotohanan ng hindi na nila sigaw sigawan ang mga babae na dumadaan. (Mahirap yatang trabaho ito) Noong isang linggo, pumunta kami ng kapatid ko sa konbento sa may minesview. Kaibigan ng mommy ko. sabi daw niya kung may problema, punta lang daw doon. SIla pala nung boyfriend nya ay parehong nasa semenaryo. Pari pala ang boyfriend niya at di raw alam nila mommy kung sino ang naunang pumasok. Kakaiba talaga ang mga nangyayari ngayon. Minsan, mga isang linggo na ang nakakaraan, ay inalok nila ako ng mga kablock ko na makipagdate sa isang babae na may boyfriend na at manood kami ng sine. Sa kanila daw ang lahat ng gastos kasama na ang pagkain. Tumanggi ako kasi hindi tama na gawin ang isang alam nating mali sa likod ng isang tao. Simula noon ay tinawag nila akong dunker kasi daw parang nabalian ako ng kamay o nabading. Naninibago daw sila sa akin na isang boatman o SMB kasi sanay silang makita ako na may kausap na dalawa-dalawang babae. Para daw akong namamangka sa dalawang ilog. (Pero sayang yung mga pagakain, papahirapan ko sana silang magbayad) Nagbago na ako, naalis ko na ang mga bisyo ko. Palagay ko ay nagmature na ako bilang lalake. Nakaabot ako ng ilang buwan na walang pornogropiya na isa kong bisyo na di ko maalis sa loob ng mahabang-panahon. Ako ay isa sa may pinakamaraming koleksiyon sa komputer ko (mga Gbytes). Nakukuha ko kapag nireregaluhan ako ng mga CD na may kasamang maruruming letrato (dirty pictures). Ang mga letratong iyon ay mahirap na muling makuha ngunit nagawa kong burahin lahat. Ang mga babae ay hindi mga materyal na bagay lang. Kasama nila tayo sa pagtakbo ng panahon at nandiyan sila para baguhin tayo sa ating mga kamalian. Masaya ako na malamang hindi lang pala ako ang nagbago. Marami rin palang ibang tao na nasaktan ng nakaraang bakasyon, at ako ang nilalapitan. Ako na isang normal na tao ay hinihigian ng payo ng mga pusong sawi. ( he he he). Napakagaling talagang guro ng karanasan.Daig pa ang mga libro kong nabasa at mga salitang aking nadinig. (ooops, sige na nga,aaminin ko, totoo ang kwentong ito, obvious naman). Sunday, February 13, 2005: Natapos ko na rin ang kwento kong ito. Bukas ay valentines Day at sana, kung may makabasa man nito ay alalahanin ang kagandahan ng buhay. Huwag kayong malungkot. Be Happy!!!

Bakit kaya kung kailan windang ang mga tao...saka sila ginaganahang magsulat..baka after few months... kapag babasahin ko ito ay pagtatawanan ko ang sarili ko..Pero ok lang... gumaling akong magencode sa computer. Nakakarelease ng tension.Para namang di ako nasanay mag-isa... ako na ngang nagsabi na lagi akong nag-iisa.Kahit mahirap kalimutan ang tao na nakasama mo ng ilang taon, lagi mo pang nakikita...lagi mo pang nasasalubong... mas matindi pa nga siguro ang problema ng iba...Ito ay isang problem focused mechanism... Hindi, emotional focusedWag naman sigurong biological focused... baka di ako tanggapin sa langit.
Kaya siguro mataas ang grade ko dun sa isang subject dahil sa mga malalim kong pag-isip sa sem na ito. Pinag-aralan namin ang topic about online diary...

:: A Love Story (5)

Nagsisimbang gabi kaming buong pamilya na napakadalang mangyari kasama ang aming ama. Bihira lang kaming ihatid na nakasakay sa kotse niya. Kaya naman pala!, isa siya sa magsaalita sa simbahan. Naghihintay pala siya ng mga kuhang letrato ng kapatid ko na isa ko naming ikinanihiya. Pumunta ba siya sa simbahan para magpapicture. Nagigilawgaw ako at parang gusto ko nang umalis sa simbahan. Maganda ang awit ng choir. Kasama pala si Lala sa mga nakanta. Hindi ako mapakali sa upuan kasi ang lilikot ng kapatid ko kaya ng may babaeng dumating ay inalok ko agad ng upuan sabay takas at labas sa simbahan. Nagpalipas ako ng Pasko na parang isang normal na araw lang para sa akin. Natulog ng mag-hapon habang maraming taong bumibisita sa bahay at naghihintay ng aginaldo. Noong bata ako, kapag ganitong araw ay gustong-gusto kong manood ng mga pang-Paskong palabas. Mga kwento kung saan ang mga tauhan sa huli ay nagbabago at nagpapakita ng pag-mamahal. Sinasabayan pa ng mga musikang nakakaantig sa damdamin ko. Masayahin akong tao sa harap ng aking mga kaibigan. Ngunit kapag ako ay nag-iisa ay napupunan lagi ng kalungkutan. Mahilig ako sa classical music kasi yun ang mga musikang pinaghirapang sulatin at gawin. Naging mahalagang parte na ng buhay ko ang musika kahit pinangananak ako na walang kahilig-hilig dito. Nagtext sa akin si Lala kung gusto ko raw sumama sa isang part time job sa office ng kanyang magulang. Pumayag naman ako kasi 3 taon na akong sumasama sa ganon. Ganon din ang sinabi sa akin ni mommy na pinsasabi ng nanay ni Lala. December 29: Nagkita kami sa tapat ng isang grocery na lugar tagpuan ng grupong magtratrabaho. Kami ang huling batch na sinundo. Pinagkasya kami sa isang van kasama ang ilang mga magtratrabahong kabataan. May mga kasamang katrabaho ng nanay niya. Nakakapagtaka na kilala ako. Pinaglalaruan yata ako at dun ako pinaupo sa lugar na hindi naman talaga upuan. Nakarating din kami at marami na palang ibang tao na naunang magtrabaho. Naging busy kami kasama ng ilan naming classmates nung highschool. Sa pagtratrabaho ay kikita samaghapon ng 150 pesos lamang. Nakakapagod at nakakalito. Ganito pala kahirap ang maging accountant. Nagkaroon kami ng lunch break at sama-samang kumain. Ako, hindi nagdala ng pagkain at pinagkasya ang pera sa mga mabibili sa tindahan. Nakakatuwa lang itong isang baboy damo na inaalagaan ng mga taga-doon. Hindi rin basta-basta umiinom ng tubig. Mas gusto ang softdrinks o beer. Tuloy ang trabaho, nalipat ako ng lugar at naging magkatapat kami ni Lala ng pwesto. Wala kaming imikan samantalang maingay ang kanyang kaibigan sa pangungulit sa akin. Natapos ang trabaho at narecieve na rin namin ang hinihintay na sweldo. Umalis sa lugar at bumalik sa aming mga bahay-bahay. Sa pagod, natulog na lang ako. Sobrang busy ang linggong ito. Kinagabihan, may reunion ang buong batch namin noong highschool. Wala akong ganang pumunta at parang masama ang loob ko.Mag-isa ako sa bahay habang nag-papatugtog ng sobrang lakas. Patalon talon at bumabanga sa pader at sinasayaw ang mga steps ng mga napapanood kong palabas. Natingin sa salamin habang binubuka ang bunganga sabay ng liriko ng mga awit. May naiisip na akong paraan. Inencode ko sa cellphone lahat ng gusto kong sabihin kay Lala. Pagkatapos ng lahat ay sunod-sunod kong pinadala sa kanya. Sa sobrang tense ay naggitara ako. Parang bigla ko na lang nadama ang kahulugan nitong Umaaraw-umuulan ng Rivermaya na lagi kong natutugtog kung walang maalalang chords. Bigla na lang akong umiyak ng walang dahilan. Nakatanggap ako ng una nyang mensahe. Na-shock daw siya sa mga sinabi ko. Binago ko ang usapan at tinanong ko kung marami na bang tao dun sa lugar kung saan magkakaroon ng reunion. Sobrang dami na raw. Talagang reunion, ako na lang ang hinihintay. Dumating na ang mga kapatid ko kasama sina mommy galing sa isang post-Christmas party. Nagpaalam ako na pupunta sa classmates ko para sa reunion at nagpapahatid ako sa kapatid ko. Nakakapagtaka lang na pinayagan ako at sinabihan pa na dalhin ko na yung motor na gamit ng pinsan ko sa pagtratrabaho. Kakaiba lang kasi ayaw nila akong pagamitin ng sasakyan kasi kaskasero daw ako. Dumating ako, at ang lugar ay puno ng mga sasakyan. Lasing na ang lahat at talagang reunion. Nandoon ang mga di ko na nakikitang mukha pagkalipas ng 3 taon. May mga nagsuka na samantalang ako ay kararating pa lang. Dala ko ang gitara ko at nag-akit na magkantahan na lang. Maraming nag-aakit sa akin na tumagay pero hindi ako uminom kahit “ga-bladĂ©”. Buong reunion ay nag-gitara lang ako at nag-aakit ng mga papalit. Maagang umalis si Lala. Gusto ko man siyang ihatid ay parang pinipigilan ako ng sarili ko. Hindi lumipas ang isang oras ay umuwi na rin ako. Ngayon lang ako umuwi ng hindi pa tapos ang party sa buong buhay ko. Ako yung taong sinusulit ang bawat oras. Kung uwian na, ako ay isa sa mga nahuhuling umalis. Pagkadating sa bahay ay humiga agad ako sa aking kama. Nakatingin sa dingding ng bahay. Narecieve ko ang text nya na paano ko nalaman ang lahat. Tinext ko kasi na baka iniisip na naman nya yung taga-Cagayan. Of all places ay tama pa, iyon ang rely niya. Sa totoo ay mas detalyado pa ang alam ko. Nasa journal ko pa ang lahat ng aking nakikita simula ng second year. Iba talaga ang nagagawa ng internet. Doon pa mismo siya nakatira, sa bayan ng mga pinakamalapit kong kaibigan sa unibersidad. Ngunit wala silang kaalam-alam, ako ang pinakamatanding vault ng impormasyon. Nalulungkot daw siya at naguguluhan. Sa totoo raw ay siya na ang umiinom ng gabing yun. Ako, kahit isa hindi tumagay kasi hindi pag-inom ang sagot sa lahat ng problema. Kinabukasan ay babalik lang din ang lahat ng sakit. Sinunod ko ang payo niya ng gabing nilalamon ng malakas na bagyo ang bayan na iyon. Inamin nya na ang lalaking iyon ang kausap nya noong nag-grogrocery kami at noong magkasama kami sa bus. Tama pala ang mga lumilikot sa isip ko noong mga panahong tahimik ako at magkasama kami. Kung hindi ako nagkakamali, yung lalake ay si BJ. BJ ang tawag ko kasi nakikita ko madalas sa may hagdan ng building namin. Kamukha kasi ni BJ na kapatid ni Jeany na girlfriend na ni Mark na kapatid ni Tobit na kaaway ko dahil sa pagkain. Napakasensitive ko talaga at parang may ESP na nararandaman ang bawat kilos nya. Nagpaalam ako para naman makapagpahinga siya. Ako, hindi ako umiyak kahit isang luha. Nakatitig lang ako sa ding-ding ng buong umaga hanggang makatulog ako ng mga alas-singko na. Kinaumagahan. Nagising ako sa isang malakas na palo ng aking mommy. Bakit daw ang tagal kong gumising. Umalis na raw ang mga kapatid ko para sa ikalawang araw ng trabaho sa opisina ng inay ni Lala. Sabi ko ay wala akong gana, ngunit pinagalitan pa rin ako. Dun ako napaiyak ng todo. Humagulgol ako habang nakatakip ang makapal na kumot sa aking mukha. Pagkalipas ng isang oras. Bumangon ako at lumabas sa aming bakuran. Kay ganda ng araw. Kaunti lang ang ulap kaya kitang-kita ang maasul na langit. Inutusan ako ng aking mommy na sunduin ang pinsan ko kasi magpipintura kami ng bubong kasi hindi naman ako sumama sa pagtratrabaho. Pareho kami ni Lala na ayaw sumama. Gamit ang aking bisikleta ay mabilis kong sinisipa ang pedal at pinatakbo ng mabilis ang sinasakyan hanggang bumunggo ang harapang gulong sa isang batao sa daan. Hinagis ng bisikleta ang katawan ko papunta sa damuhan na tila ang lahat ng pangyayari ay mabagal gumalaw (navivisualize ba). Nakikita ko ang langit habang nasa ere. Bumagsak ako na nauuna ang aking likod. Wala akong sakit na narandaman. Ilang minuto akong nakahiga sa aking likod at nakatingin sa kalangitan. Bumangon ako at itinuloy ang paghanap sa aking pinsan. Wala siya sa lugar kaya bumalik na lang ako sa bahay at ginawa ang trabahong mag-isa. Pataas ng pataas ang araw at unti-unting nadarama ng aking paa ang painit na painit na bubong. Kinalas ko ang tali sa aking baywang at tumapak sa pinakatuktok ng bubong. Nasa pinakagilid ako at nakatayo. Kitang-kita ang taas ng aming bahay at ang babagsakang mga bato. Pinatong ko ang kanan kong paa sa hangin. Lahat ng mga ginawa ko at pakikipagsapalaran noong bata pa ako ay nagbabalikan sa aking ala-ala. Lahat ng mabubuti kong nagawa at lahat ng aking achievements na tanging ako lang ang nakakakita ay nginingitian ko. Tumitig ako sa ibaba. “May nahulog”, sigaw ng pinsan ko (naks, action). Sabay kaluskos ng bubong. Papaakyat na pala ang pinsan ko at nabitawan niya ang mga gamit sa paglilinis. Tinapos namin ang trabaho at pag-dating ng araw sa pinakataas ng langit ay nagpahinga na kami. Sandaliang natakpan ng ulap ang araw ngunit parang gumaan ang aking pakirandam. Ilang gabi akong gising at nakatulala. Bagong taon, bagong buhay, bagong pag-asa. Kinabukasan ay aakyat na naman ng Baguio sina Lala. Umabot ng alas-dose akong gising at tinext ko sa kanila na kung sakaling maiwan sila ng bus ay daan na lang sila sa bahay ng umaga at makisabay na lang sa amin. Ihahatid kasi kami papuntang Baguio. Nakatulog na rin ako. Nagising ako ng mga alas-3 at tama nga ang hula ko na maiiwan sila ng sasakyan. ANg mga bus kasi ngayon ay busy at mas prayoridad nila yung kabilang bayan. Dumating siya (mga 10 am)kasama ang mga magulang nya at iba pang bahagi ng pamilya nya. Pinakain naming sila ng tira sa di naming naubos na Buena noche. Nag-chichikahan ang mommy ko at inay nya at nag-iinuman naman ng napaka-aga ang daddy ko ay itay nya. ANg sayang tingnan ng nasa paligid ko.( he he he) Pagkatapos naming kumain ay umalis na ang sasakyan at susunduin pa ang ibang mga makikisakay. Ang sarap magbyahe sa isang lugar lalo na at kasama mo ang mga tao na mahal mo sa buhay. Maingay kami sa likod ng pinsan ko at nagbibiruan. Binigyan kami ng chippy na ayaw ko ang lasa ngunit sa pagkakataong iyon ay sarap na sarap ako. (nagets ba ang meaning) Mga alas-otso na ng gabi kaming nakarating sa Baguio at walang nagbago sa pagtulong ko sa kanya. Alam kong hindi dapat doon magtapos ang aming pagkakaibigan na lalong pinatindi ng bagyo, bagyo ng aming mga buhay( nakakatawa naman ako). Magsisimula na ang klase kinabukasan ngunit parang ang lahat ay walang ganang mabuhay dahil sa mga trahedyang sunod-sunod na dumaan. Nagkaroon ng tsunami sa Thailand na kaaraw ng lamunin din ng alon ang aming bayang pinagmulan (seacrh: tromba marina).

:: A Love Story (4)

Tulad ng mga nakaraang araw ay madalas kami ni Lala magtext para ikwento ang mga nangyayari sa amin. Minsan, napag-uusapan namin yung paborito niyang teacher na pinapasukan ko ngayon sa isang subject. Humihingi ako ng tips at inaalam ko ang personalidad para naman makapasa ako. Yung teacher daw na iyon ay mahilig sumama sa frat war at rally noong college siya. Kumakain ng tae, at marami pang kagaguhang alam. Mapapatunayan niya naman yun sa klase namin na ibat-iba ang trip. Dumating ang week long na celeberation ng Christmas sa aming school. Maraming booth. Na-assign akong magdala ng computer para sa Income generating project namin. Pumayag na rin ako kasi magdadala rin ng computer yung isa kong kasamang DJ sa isang radio station. Maraming music yung hardisk niya at balak kong kumopya para mabawi ang mga nawala kong koleksyon. Malaki ang kita ng aming booth. Madaling kumita lalo na kapag pag-pipirata. Hindi natin masisisi ang mga Pilipino na wais at bumubili lang ng mas mura. Sobrang hirap na kasi ng Pilipinas na dati ay pangalawa sa ma-uunalad sa Asya. Ngayon ay talagang lugmok na, at sa paraan lang na ito sila nakakakuha ng pagkalamang sa mga umaapi sa kanila. Laging kawawa ang mga mahihirap, kahit saan mang aspeto. Pinalalabas ng mga elite na sila ay kapuri-puri ngunit ginagamit lang ng mayayaman ang lahat ng maaring paraan at idelohiya para mapanatili sila sa sistema (Althusser). Ito ay mas matindi pa at nakakatakot kaysa sa represyon o bayolenteng paraan kasi nilalason nito ang isipan ng mamayan ng walang kahirap-hirap kasi madalas ang mahihirap ay hindi gaanong nag-iisip ng pang-aapi sa kanila at nasa lebel pa lang sila na ang prayoridad ay para sa pisilohikal/biological na pangangailangan. Kahit ang Diyos ay ginagamit nila para mapanatili nila ang sarili sa tuktok ng tatsulok. Sila na nga (mahihirap) ang pinagkakaitan ng tamang karapatan at serbisyo ay sila pa mismo ang unang ginagamit para mapanatili sa pwesto ng mga nang-aapi sa kanila. Nakakuha na ako ng maraming music at balak kong regaluhan si Lala ng music na paborito niya at kahit ano pa man. Ilang beses ko siyang hinihintay sa shaded walk ng school para maibigay yung cd. Inaabangan ko siya pero laging mali ang timing. Pero, sabi nga nila, kapag may tiyaga may nilaga, kaya naibigay ko rin. Bago magbakasyon, ang aming class sa teacher na paborito ni Lala ay nagkaroon ng Christmas party kahit hindi siya naniniwala sa Diyos. Nagkaroon siya ng mga naiisip na music video na talaga namang pinagkakatuwaan ng klase. Maraming pagkain tulad ng cookies at chips. Ngunit ang magaganda ay ang mga words of wisdom niya na di ko alam kung saan-saan niya nabasa. Naging masaya ang araw na iyon gusto ko sanang sabihin kay Lala kaso busy siya sa kanyang exams. Dumating ang pinaka-finaleng araw ng selebrasyon. Nasa school na ako para panoorin ang engrandeng simula ng programa. Mag-isa lang ako noog una. Pero di nagtagal ay dumating na yung iba naming kasama para sa fireworks display. Pagkatapos ay humanay kami para sa pagkain. Nagtagpo ang block namin at block nila Lala. Itong si Jess na maingay kasama ang kanyang girlfriend ay biglang kinulit si lala at kung ano-ano ang sinasabi. Sa totoo lang ay naiinis ako kasi ayaw ko ng ganon. Nagtinginan sa akin yung mga kablock ni Lala na parang sobrang nagtataka. Nanliit ako sa sarili ko at pagkatapos ay umalis na ako. Parang sobrang nagtataka sila sa akin kung sino ang taong ito na inuugnay sa kanya. Alam ko naman na kahit minsan ay hindi yun ikukuwento ni Lala sa mga kaibigan nya kahit yung mga pinakamalapit pa sa kanya. Ako rin naman, di ko lang din yun sasabihin. Kung hindi pinakalat ni Allan ay nakatago na lang sana at nalimutan na ang lahat-lahat. AKo kasi ay isang taong malihim at kahit sino na feeling nila ay kilala ako ay hindi pa talaga nila alam ang lahat-lahat sa akin. Kahit kapatid ko, magulang ko at mga kaibigan. Ng gumabi na, tinatanong ko si Lala kung ayos lang siya. Nang gusto na niyang umuwi ay sinabi ko na mag-ingat siya at tinanong ko kung may kasama siya. Sabi niya ay kasama daw nya yung mga kaibigan niya. Nalungkot man ako na di ko siya nahatid ay ayos lang. Naiwan ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga bandang tumutugtog. Naalala ko pa noong first year ako ng tumugtog kami ng iba kong ka blockmates.Nasa isang org silang lahat at ako lang ang naiiba. Bago tumugtog ay tumagay sila para pampalakas daw ng loob. Ng nasa harap na kami ay di nakakakanta yung vocalist namin at sa banding huli ay nagbago ang plano at yung drummer na ang pumalit na vocalist. Mabuti na lang at nakatalikod lang ako ng buong performance namin. Kaso nabuwag na ang banda, nawala sila sa course at nagshift. Yung iba nalipat ng school. Nakikita ko parin si Jeric na may girlfriend na ngayon at busy sa org nya. Parang lahat sila ay may direksyon na sa buhay. Umupo lang ako sa isang tabi habang pinapanood ang ilang kasama. Pinagmamasdan ang mga nanonood. Nasa isip ko noon kung bakit ang dali-dali ng ibang ibigay ang kanilang puso sa iba at parang ang dali-dali nilang iaalay ang sarili na isang mahalaga nilang instrumento. Napakadali nilang iaalay ang katawan para sa iba. Napakadali nilang buuin ang isang relasyon na hindi nila alam kung magtatagal Marahil ay immature pa ako sa usaping iyan. Lumalim ang gabi at matatapos na ang programa. Alam kong nasaraduhan na ako sa bahay. Wala na akong magagawa kundi magpaabot ng umaga. Umaabot ng alas-dos at umalis na ang grupo. Pumunta sa 7/11 para kumain. Pagkalipas ng mahabang usapan at kainan ay umuwi na sila. Ako ay humiwalay at pumunta sa simbahan. Una kong simbang gabi. Nakakaantok mag-simba lalo na at wala ka pang tulog. Di ko napigilan kaya nakatulog ako sa simbahan. Ng magising ako ay tapos na ang misa at nagdesisyong umuwi sa bahay. Nagising ako ng tanghali na, nag-ayos at kumain at pagkatapos ay umalis muli. Pumunta sa session road, dumeretso sa Mabini. Pumunta ako sa isang hindi sikat na pagupitan. Sobrang haba na ng buhok ko. Mahal na mahal ko ang buhok ko at dahil dito ay lagi akong napapagalitan ng daddy ko. Nagpagupit ako ng maiksi tanda ng aking pagbabago. Ilan taon ko nang hindi nakikita ang mukha ko na malinis ang tabas at ito ay nagustuhan ko naman. Bababa ako bukas sa probinsiya dahil sembreak na. Bukas, ay susunduin ko sina Lala sa bahay nila ng madaling araw at sabay kaming babalik sa lugar namin. Sana ay hindi na ako pagalitan ng mga magulang ko dahil natupad na ang hiling nila na magpagupit ako. Dumerestso ako sa isang internet cafĂ© na madalas kong puntahan. Ito ang alam kong pinakamabilis. Nasa isang tagong building pero maganda ang view lalo na kapag gabi. Nakikita mo ang kagandahan ng Baguio sa pamamagitan ng maraming ilaw na kumikislap. Alam ko na sa bawat isang maliliit na ilaw na nasasapawan ng mas malalakas na ilaw ay isang pamilyang nagsasama-sama kahit sa napakalamig na Disyembre. Malapit na nga pala ang Pasko ngunit ang Pasko kong ito ay naiiba sa lahat. Malamig… Nag-search ako sa internet. MAgaling akong umarte na hindi nasasaktan kahit sobrang sakit ng aking kalooban. Magaling akong magkunwaring malungkot kahit alam kong masaya ako. Ito ang natutunan ko sa pag-iisa. Mahalagang magkaroon tayo ng sense of time pausing (sarili kong term). Alalahanin natin ang takbo at paano kokontrolin ang ating paligid at hindi kung paano nila tayo pag-lalaruan. Kailangan nating huminto man lang sa ating ginagawa at pag-isipan kung ano ba ang ating mga achievements at failures. Tayo ba ay nasa tamang landas o tayo ba ay mga pawang ligaw. Nalaman ko na ang kahulugan ng pinadala sa akin na mensahe ni Lala. Alam kong hindi niya yun sinasadaya pero yun ay tamang-tama sa akin. Natulog ako ng maaga para sa maagang biyahe bukas ng umaga. (ganda ng rhyming). Nagising ako ng maaga ng umaga rin yun para sunduin sina Lala. (He he he) Sabay kaming bumaba sa aming probinsya lulan ng isang bus. Bagamat halos magkatabi lang kami sa upuan ay tahimik pa rin kami. Ayaw ko ng kasama siyang tahimik. Nalulungkot ako kapag nakikita ko siyang ganon. Hindi ko alam ang dahilan. Malapit ako sa kanya pero parang sobrang layo nya sa akin. Kinausap nya ang inay nya. Hawak na naman nya ang cellphone nya. Ang haba pa ng byahe pero walang imikan. Tulog sila, nakatulala ako sa labas ng bintana. Minsan ay natingin ako sa kanya. Minsan ay iniiwas ko ang mga mata ko. Naghahanap ako ng paraan para malibang. Maingay ang mga bata. Maalikabok ang daan at mainit ang hangin. Tunay ngang malapit na kami sa aming tahanang binago ng Bagyong Yoyong. Nasira ang mga daan, sinira ang mga tahanan. Ngunit sa haba ng byahe ay halos pareho lang ang sikat ng araw. Mga ala-una na ng dumating kami sa aming bayan. Maraming ruta ang bus, ngunit sa bandang huli ay sa amin pa rin ang destinasyon. Unang bumaba si Pauline. Naiwan kaming dalawa ni Lala sa bus. Wala pa rin gaanong imikan. Huminto ang bus sa gitna ng bayan at tinulungan ko siyang buhatin ang kanyang mga bag. Dala ko rin ang dalawa kong bag at ang aking mahal na gitara. Sumakay kami ng tricycle at huminto sa tapat ng bahay nila na tila papasok sa langit. Nakita ko ang inay nya sa harapan ng bahay nila at sinalubong kami. Nagpasalamat sa akin. Habang nakasakay sa tricycle ay parang walang nagbago sa bayan ko na sinsasabing nasalanta ng todo. Ang hangin ay ganon parin ang init at simoy. Presko ang hangin na parang nilinis ng bagyo ang lahat ng kabahuan ng bayan ko. Ang sarap ng pakirandam ng umuuwi sa bayan mo na humugis sa iyong pagkatao. Bumaba ako sa tricycle sa harap ng aming bahay. Ang daan ay malinis, ang lugar ay tahimik, walang, nagbago. Binuksan ko ang pinto sa paraang alam ko. Brownout pala. Halos isang buwan na raw na walang kuryente. Wala akong nagawa kundi bisitahin ang aming bakuran. Mabuti at nakikilala pa ko ng aming mga aso. Maraming nabuwal na saging na muling tinutubuan ng mga dahon. Tunay ngang bumabangon muli ang aming bayan. Pumunta ako sa malawak na lupa sa tabi ng aming bahay. Nabigla ako ng hindi na berde ang kulay ng lupa. Kaunti na lang ang mga damo para sa mga baka. May tinatayo ng gusali. Alam ko na noon na mawawala rin ang pinakamamahal kong bakuran kung saan nahugis ang aking imahinasyon. Lahat ng bagay ay nagbabago at nawawala katulad ng isang ruta papunta sa aming bayan at ruta sa aking kabataan. Pumunta ako sa dagat na natatanaw ang Pasipiko. Kay gandang tinganan ng asul na tubig nito kahit alam ng lahat na halos pumatay ito ng buong bayan. Umuwi ako sa bahay at nandoon na ang aking mga kapatid. Pagkadating ng alas singko ay nagkakuryente na pagkalipas ng isang buwang paghihintay. Tamang tama ang dating ko. Parang walang nagbago. Nasa tahanan ko na nga ako.

:: A Love Story (3)

December 2:
Bumabagyo daw. Walang klase pero pumasok pa rin ako. Mukha namang mahina ang ulan at hangin. Yung school kasi namin, kahit halos lahat ng ibang school ay wala na, minsan tuloy pa rin ang klase. Umuwi ako ng bahay. Nagtataka ako at ayaw mag-start ng computer ko. Nasira pala ang hardisk at lahat ng mga files ko, Kasama ang mga music kong kinolekta ng ilang taon ay nabura. Halos mabaliw ako kasi, ang laki nung kawalan at marami akong nagastos para madownload ang mga iyon. Sayang ang mga music na nanakaw ko. (Baka siguro naman karma). Lalo pa akong nalungkot ng dumating ang kapatid ko at sinisi pa ako lalo. Nababaliw na ako noon. Ahhhh!. Sabi nga ni Tobit ,parang hindi ako kuya kasi ako pa ang pinangangaralan at inuutus-utusan ng kapatid. Ganon na talaga, nawala na ang respeto ng lahat ng kapatid ko sa akin. Kung hindi dahil sa kapatid ko, walang computer, walang pera. Kasi malakas siyang mag-hingi ng pera. Malambing siya, eh ako, walang katalent-talent sa ganon. Mahina talaga ako diyan. Siya, nasa Dean’s List at malaki ang tuition. Ako, wala pa sa 1/3 ng sa kanya pero bihira akong makatanggap. Madalas ay hati pa kami. Naiinis lang ako kasi Dean’s Lister siya pero madalas siyang magpaturo sa akin at puputulin ang tulog ko dahil lang sa isang tanong. Ako, nasanay akong mag-aral mag-isa kasi madalas akong nag-isa. Nakakatamad sumama sa mga kablock ko kasi may mga kanikanya silang inaalagaan. Ako, di sa akin uso ang libro. Nagdowndownload na lang ako sa internet ng mga ebooks. Sa library naman, kapag walang magawa, nagbabasa. Pero madalas, natutulog. Gusto kong mapag-isa kasi yun lang ang time na nakakapag-isip ako ng matino. Nabasa ko sa isang second hand book sa may Book Sale sa SM, na ang lahat ng tao ay sobrang busy sa kanilang buhay na nalilimutan nilang huminto kahit ilang minuto lang at pag-isipan ang susunod na hakbang. Magkaroon ng meditation at mag-yoga. Sulat iyon ng isang monk na Buddhist o (? hindu). Hindi ko na maalala. Pero epektibo daw iyon para mawalan ng stress sa napakabusy nating buhay. Isa pa pala iyon sa aking gawain, magbasa sa mga bookstore. Nakakabasa ako ng buong libro kahit pakonti konti lang. Napakaboring kasi ng buhay ko kaya naghahanap ako ng mapaglilibangan ng ako lang mag-isa. Sa totoo, sa kwartong ito, halos wala lang akong sariling gamit. Ang tangi ko lang nabili ay ang gitara kong 400 pesos. Ang kapatid ko, may digital camera mp3 player atbp. May utang pa nga ako sa kanya kasi nasira ng kaibigan ko ang player nya. Balik tayo… nababaliw na ako kasi nasira yung computer. May nagtext sa akin, isang Sun Cellular na number. Yun kasi yung time na nauso yung 24/7. Si Lala raw siya at kabibili lang nya yung sim. Adik kasi ang babaeng ito sa text.Naalala ko na may binili kaming Sun Sim nung last November 5 at saying naman yung load. Nagpalit ako ng sim at dun ako nagtext. Kinuwento ko sa kanya yung nagyari sa computer ko at parang nababaliw na ako. Ang dami ko talagang nasasabi sa kadesperaduhan ko sa gabing yun. Naikwento ko na nag-inom kaming block last day nung last sem at nagsuka ako for the first time. Ako ang naging biktima ng masalimuot/walang kwenta na gabing yon. Sabi nila kung anu-ano daw ang sinabi, na unfair ang generation at bakit ang kasalanan ay kung ano ano. Naikwento ko yung mga aral nung isang pastora na nagtransient sa aming boarding house ng isang gabi. Naitanong ko lang kasi kung paano kapag ang lahat ng pinaghihirapan, pinagpapawisan, pinagaaksayahan ng oras ay wala pala, wala tayong tamang tinutungo. Ang naging sagot lang ng pastora, hindi yun maari kasi sayang ang mga pinaghirapan niya. Inakit ko pa nga si Lala ng inuman habang katext. Sabi nya, hindi pag-iinom ang solusyon sa lahat ng problema. Kinabukasan babalik lang din ang lahat ng problema mo. Nakikisimpatya pa nga raw yung panahon sa feeling ko. Sabi ko naman, mahirap talagang kalimutan ang isang bagay na napalapit at napamahal sayo ng mahabang panahon. Ilang taon ko ring inipon yung mga music na yun at yung mga pictures namin last week sa camp 3 ay nabura din. Loko loko ba naming itext na “World’s gr8test lie: at certain point of our lives, we lose control of wats hapening 2 us & our lives bcum controlled by fate – d alchemist” . Di ko alam kung saan galing yun pero alam ko na mula sa isang movie, tama ba? Parang biglang umapoy (naks, parang nagsuper sayan) yung nararandaman ko para sa kanya ng gabing yun. Gusto man pigilan para di na siya umiwas ay parang lumalabas pa rin sa mga sinsabi ko. Naging mahaba ang pag-uusap naming ng gabing yun na parang sinusulit namin yung oras at lahat ng mga panahon na wala kaming communication, at tsaka, syempre sinusulit din naming yung load ng 24/7. Kinabukasan, nabalitaan ko sa TV na matindi pala ang epekto ng bagyo sa probinsiya namin at ang daming namatay. Tinxt ko ang mga magulang ko at sabi nila ay OK naman daw sila. Nanlumo ako sa balita dahil first time kong makakita ng ganong karaming patay sa aking lupang sinilangan (sinilangan: noun kung saan ka pinanganak). Yun yung time na matunog yung name ng province namin at parang ang lahat ng bagay ay nagsisimula ng magunaw. Parang ayaw yata kaming pag-usapin ng panahon ng gabing yon kasi ang daming namatay. Halos araw-araw, gabi-gabi kaming nagtetext dahil sinusulit namin yung load. Tsaka siya lang naman ang alam kong may sun na number. Bawat nangyayari sa school, sinasabi namin. Pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos ng bagyo, sabado, nagbalak kami ng overnight sa bahay nila Dennis. Kaming mga magkakaprobinsya sa Baguio. Sinundo ko sila Lala sa bahay nila at pumunta kina Dennis na halos ilang buwan ko ng di nakikita. Pag dating namin, nagsigawan sila na bakit noon lang ako nagpakita. Namimiss daw nila ako. May pupuntahan daw muna sina Dennis at Tobit sa school nila kasi may papanoorin daw silang play na required. Ang naiwan lang ay ako at tsaka sina Lala at Pauline. Pero umalis din kaming tatlo at pumunta ng SM para maggrocery at mag-rent ng VCD na panonoorin namin kapag dumating na sina Tobit. Adik talaga sa text si Lala, kahit sa grocey ay nakahawak sa cellphone nya. Sa totoo lang ay nagseselos ako noon sa cellphone nya na parang sana ay hindi na naimbento ang cellphone. Pag-kalipas ng isang oras na shopping ay bumalik kami kina Dennis. Dumating kami, pero wala pa sina Dennis. Nagluto silang dalawa ni Pauline at ako ay nagpapatutog na lang. Walang imikan. Ewan ko ba ng mga panahong yun, kapag nag-uusap kami ang saya-saya ko, pero pag sobrang tahimik ay sobrang malungkot ako na di ko mapaliwanag. Iyon yung pakirandam ko nung highschool ako habang nakatitig mula sa bintana ng klase sa malawak na palayan, o kaya ay nagmamasid sa mga puno, sa bundok at sa malawak na damuhan sa tabi ng bahay namin sa probinsiya kung saan malayang nabubuhay ang mga baka at iba’t-ibang ibon (syensya na makata talaga ako). Sa totoo lang ay naisulat ko na yung pakirandam na yun ng highschool ako kaso di ko na alam kung saan napunta. Ang alam ko ay nilagay ko noon sa lata ng Bear brand at binaon ko kaso pagkalipas ng ilang buwan ay binuldoser yung lupa at balak daw tayuan ng isang building, isang department store yata. Mabuti na lang at hindi natuloy pero yung mga kwento ko nung bata ako ay nawala na. Kasama yung mga paintings, story, article na ginawa ko. Oo, bata palang ako ay sumusulat na kaso ayaw kong ipabasa. Nalimutan ko na nga yung ilan sa mga kanila. Dumating na rin sina Dennis at Tobit, at tumulong na rin sila sa pagluluto. Pagkatapos maluto ay sabay-sabay kaming kumain. Naiibahan ako sa gabing yun kasi… di ko maubos yung pagkain ko. Corned beef pa naman yung ulam kaso di man lang ako nakarami ng kain. Sa totoo lang, ako pangalawa sa pinalakas kumain sa aming block kahit ako ang may pinakamaliit na katawan. Pero sa speed, wala raw tatalo sa akin. Tinatawag nga nila akong Turbo man. Weird talaga ang gabing ito. Pagkatapos kumain, nagpahindag kami at inayos ang sala para sa mga nirent naming VCD’s. Si Lala talaga, di maiwasan na di hawakan ang cellphone nya. Kinabahan ako sa reaction nya. Nagtext kasi yung mommy nya na may namatay daw na Suril. Nasa isip namin agad ay yung tatay ng classmate namin ng Highschool. Engineer daw, at yung mga deskripyon ay pareho. Nalungkot naman kaming lahat. Pero ayaw muna naming palungkutin ng todo ang gabi kaya hinanda naming ang mga chips at rootbeer saka ang mga VCD’s. Di ko talaga feel na mag-saya na parang malungkot ako ng walang dahilan. Baka siguro dahil dun parin sa hardisk ko. Habang nanonood ng movie ay inaantok-antok na ako at nakahiga na. Ako, naubos ko agad yung root beer. Simula pa bata, ayaw kong may matira o masasayang sa mga kinakain ko, kahit sa beer. Ang lilikot ng lahat sa panonood ng isang suspense thriller na movie. Sa akin, typical na yung moving ganon kaso marami na rin akong napirata na movie katulad ng Texas Chainsaw Masacre. Mahilig akong manood ng horror kahit( lalo na) mag-isa. Hilig ko ngayon ay mga Asian horror kasi iba naman. (Naalala ko yung Poti anak ng Indoensia, tama ba) Humiga na muna ako na parag sobrang antok na antok, pero gising ang mga pag-iisip ko tenga. Pinakialaman ni Dennis ang cellphone ni Lala at nagbasa ng inbox at nakita yung isang name. Nagalit naman si Lala pero narinig ko yung pangalan. Dahil sa ganong reaksyon ni Lala, ay nag echo sa tenga ko yung pangalan. Nasa pangatlo na kaming VCD at mag-aalas dos na. Pagkatapos ay pinatulog ni Dennis sina Lala at Pauline sa kwarto nya at kaming mga lalake ay sa sala. Medyo natagalan ako sa pagtulog kasi ang lakas mag-hilik ni Dennis. Kinaumagahan, antok na antok pa rin ako, pero gising na sila at humirit pa ng isang movie. Pagkatapos ay umuwi na kami. Hinatid ko na naman sina Lala. Kagaya ng dati, ako ang magbabayad. Mauutak na babae! Hmmmp.! Kinahapunan ay inakit ko silang magsimba, ok lang daw kaso di sila makakasabay kasi may dadaanan sila sa Victory Liner. Para sa akin noon, ibig sabihin noon ay hindi. Pero ok lang kasi mas gusto kong mag-simba ng mag-isa, at ang pinakamahaba kong consecutive na nagsimba ay sem na ito. Hindi katulad dati na parang wala lang akong gana, pero noon, parang feeling ko ay kailangan kong mag-simba lingo-linggo. Parang iyon ay isang task na dapat kong gawin. Hindi tulak ng lipunan o kung sino, kundi ng sarili ko. Kailangan kong irehabilitate ang aking sarili. May paper nga akong sinulat para sa feeling na yun. Parang pag di ako nakasimba ay mababaliw ako. Bakit, kailangan kong ibalik ang faith sa Panginoon kasi habang nagmamasid ako ay lalo akong nanlulumo sa paniniwala ng tao sa Diyos. Nasusuka ako sa mga sinasabi nilang pananampalataya pero parang ang lahat ay isa lamang na laro. Hindi na love ang nakikita kundi ang pagsunod sa tradition. Kapag sinabi ng pari na "mahalin natin siya at pasalamatan", sasagot ang mga tao na "Iniisip namin siya at minamahal" na walang sincerity. Yung iba, pinapagalitan, pinapalo ang mga batang maingay. Sasabihin na magagalit si Jesus na parang ginawang panakot Sila sa tao. Ayaw na ayaw ko na tawagin ang mga maka-Diyos na may takot sa Diyos, mas gusto ko yung nagmamahal sa Diyos. Baliwala sa akin ang pagsunod sa isang Diyos na pinangungunhan ng takot. Para na ring mga Diyos ng Greek o Egyptian na ginagamit lang para mapasunod ang mga alila para sa mga sari-sariling kagustuhan. Oo nga at may mga taong malalim ang pananampalataya. Ngunit madalas ay sila yung mga taong hindi nag-iisip at di nagcricriticize kung karapat-dapat ba. Parang ako noon...he he he. Ang iba, tinatago ang kabulukan sa kapwa tao na parang walang Diyos na nakakakita ng kanilang mga ginagawa.