Tuesday, February 08, 2005

AKo ay!

-0----------------------------------
5:40 PM 2/8/2005
-------------------------------------
ANO AKO? isang nilalang
Ako ay isang simpleng estudyante na isa sa siyam na natitira sa aming course. Noong pumasok ako ay quota pa ang course kong ito at iniiwasan daw kasi mga Diyos daw kami. Ewan ko lang kung bakit, hindi naman ako gaanong nahihirapan at sa Math lang naman ako medyo umuulit. Math, isang sabjek na paborito ko noong elementary pa ako at nagdadala sa akin sa fame. Nagkakaplace (4th) pa dati ako sa mga provincial na competition at hindi mo naman na masasabi na mahina yung school namin dahil marami sa mga alumni dun ay nag-aral ng kolehiyo sa prestidyong unibersidad ng Pilipinas. marami din katulad ng pinsan ko ang naging CumLaude na pangalawa lang nung Highshcool. Syempre sa school namin. Noon yun at ngayon ang trip ko ay literature at music na parang umikot ang mundo ko ng 180 degrees.
Apat sa mga natitirang mga lalaki sa aming block ay may team sa basketball competition na gingawa buong taon. Sa ngayon, ako ay isang bubwit kasi ako na ngayon ang pinakamaliit na lalaki sa block kasi yung iba ay nawala na. Para akong isang batang sumasama sa mga matatanda kasi ang payat payat ko. Malakas akong kumain, pangalawa sa pinakamalakas at nangunguna sa speed kung pag-uusapan ang art of eating. Napakahyper active ko kahit hindi ako gaanong sumasama sa mga Physical activities. Madalas akong maglakad mag isa kasi mabailis akong maglakad at ayaw kong may hinihintay. Kung walang tao sa boarding house ay magpapatugtog ako ng ubod ng lakas at mag-isislam hanggang mapagod at makatulog.

TANGANG BATA...
Noong elementary ako ay isa akong tanga-tangang estudyante. Kahit sino siguro sa kaklase ko ay may natatandaan na kagaguhan kong ginawa. Tanga! Bobo... madalas kong marinig kahit sa bahay. Naaalala ko pa noon na pinagalitan ang buong klase dahil sa akin. Ako ang pinadala ng susi at sinabi kong nawala at pinahanap ang buong klase sa buong school. Ng magtagal ay nakita ang susi sa may bag ko. Ang tanga ko talaga.
Ibang-iba talaga ako noon. Isang super dooper na geek at kahit ngayon ay nadadala ko pa yung mga katangian ko. Wala kaming kapitbahy noon kaya wala akong kalaro at ang libagan ko ay magkalikot ng mga bagay-bagay. Sa edad na pito ay pinagkakatiwalaan na ako ng aking ina (na tangi kong kakampi) sa pagkukumpuni ng mga ilaw at ano pa mang di kuryente. Noon, imbis na laruan ang pinabibili k , screw driver at soldering iron ang gusto kong regalo. Sa bag ko noong elementary ay makikita ang mga screw driver, wires at mga bulb. Pero hindi ako nagsisisi na maging ganon. Alam ko noon na may talento ako pero sobrang walang confidence. Walang self steem kaya palpak lahat ng ginagawa. Pag-nagkaanak ako, uunahin kong turuan siya ng self confidence sunod ay ang pagiging humble.
HARI NG SABLAY...
Madalas akong madapa sa laro naming bayatu o patintero. Mahilig na ako noong magsulat ng story at poem. Mahilig rin akong magpainting at magdrawing. Hindi ko nga lang nailalabas kasi wala akong self steem. Kaya ng magkakamera ako ay tuwang tuwa kong ginamit ito at pumupunta pa talaga ako sa mga spots sa amin para kumuha ng pictures.. Free p ata yung camera sa avon. Sa totoo lang ay natatawa ako at kahit may tumabi lang sa akin na babae ay pinagpapawisan na ako ng malagkit. Nang mapanood ko nga yung MTV na hari ng sablay ng sugarfree ay sinabi ko agad, "ako ito ah". Ngayon ay nakabili yung kapatid ko ng digital camera at it is a dream come true para sa akin at kahit san pumunta ay kumukuha ng picture. Nakikita ko yung parang feeling ng scene at gusto ko ay marandaman din naman ng mga natingin sa mga kuha ko yung feeling na nadarama ko ng kinukuha ko yung shot.
Nagsimula lang akong magbloom o gumana yung aking utak nung grade 5. Habang sinasabi yung mga ranking ay nabigla ang lahat ng maging rank 3 ako sa math.Nnagtinginan ang lahat kong kaklase at parang binayaran ko ng ilang milyon yung teacher namin. Simula noon ay naging guru na ako ng Math. Nadamay narin yung ibang subject at nang mag high school ay naging 11.5 sa ranking na isang provincial science high school. Kung iispin, ang galing ko pala at nalampasan ko ang unang stage ng aking pagkatao. Yun ay ang kawalan ng tiwala sa sarili.
... at higit sa lahat ,MAKA-DIYOS
Sa totoo lang ay batang-bata pa lang ako noon ay tinatanong ko na ang tungkol sa Diyos at lahat ng kanyang plano pero pinanganak ako sa isang pamilyang sobrang religious ang ina. Sa totoo lang halos kumpleto ko pagsisimba sa linggo mula noong bata ako hanggang high school. Ang malupit pa ay laging 6 oclock ang schedule . Oras ng mga matatanda at ginigising kami ng 4 oclock para maligo at magbihis. Tuwang tuwa ako kapag ang oras ng misang pupuntahan namin ay 8 oclock na normal na gising ko ngayon. Laging napuputol noon ang mga panaginip ko tuwing linggo ng umaga. Pag nasa simbahan ay kailangan kong pigilan ang antok at kalikutan at kung hindi ay kukulitin at papagalitan ng mga matatanda. sa sobrang regular nga noon ay sumasama na rin yung aso namin.(totoo yun). High school na ako ng maransang magsimbang gabi ng hindi pasko o ano mang okasyon. Sa sobrang maka-Diyos ay napasok ako sa isang born church again at ginawang leader sa may lugar namin. Sa kasamaang palad ay nag-away ang pastor at pastora at nasira ang samahan at ang lugar dalanginan noon ay isa na ngayong beerhouse at pool.
Pero hindi ko ikakailang malaki ang naging bahagi ng relihyon sa aking katauhan. Naging pasensyoso ako at mapagtiis sa hirap. Ewan ko lang kung ganito ako kung lumaking walang Diyos. Sa pagkakataong ito ay parang wala na akong Diyos pero sa tingin ko naman ay mas mabuti ako ngayon. Inalis ko ang mga bisyo ko noon. sa totoo lang, yung koleksiyon at panonood ng mga pornographic films ang bisyong hindi ko maalis alis sa simula pa ng nagbibinata ako. Una akong nakakita noon sa cabinet ni Daddy noong bata pa ako. Marami syang tapes pero nagtataka ako na parang bising busy sya sa trabaho. Baka siguro, sa isip ko noon na pagtumanda ay maalis ang hilig sa sex kaya nag-aral at naghanda sa sarili para kung baka sakaling malagay sa alinlangan sa babae ay hindi ako mapapahiya. Tumanda ako at di ko na maalis.
Nitong College lang akong natututong uminom pero hindi ako marunong magsigarilyo. Ngayon ko lang college nasubukan sabihin ang "putang ina mo". Noon talaga ay nagtataka ako kung bakit gustong gusto nilang sabihin yun. Kapag pinapagaya ako ng mga classmates ko ay hindi ko mabigkas, at ang nasasabi ko ay Pusa o putcha o pusang inahitan. sa totoo pala ay nakakarelease ng tension kapag sinasabi mo yung mga nakakaoffend na salita. Hindi ako naninigarilyo pero nasubukan ko mga 2 weeks ago (linggo). Depressed na depressed ako at gusto kong malibang kaya naginternet ako dun sa may SLU na alam kong pinakamabilis at tambayan ng mga estudyante na mahilig manigarilyo. Siguro para hindi pagtripan at magmukhang siga ay bumili ako ng 2 sticks ng sigarilyo. Katulad ng dati, bumili rin ako ng flavored water. Dun ako umupo sa isang sulok na maaring pagsaksakan ng cp para makanakaw ng music. Katabi ko pala ay isang babae na naninigarilyo kaya medyo nagalinlangan ako. Nung bandang huli ay ginamit ko yuung lighter na lagi kong dala kahit di ako naninigarilyo. Sinindihan ko yung sigarilyo na parang expert. Pero di ako marunong magsigarilyo kaya umubo lang ako at pinatong sa gilid ng lamesa. Naginternet ako para sa project namin, napansin kong paubos na yung sigarilyo at nasusunog na yung kahoy na pinagpapatungan. Walang hiya, nakaisang hit-hit lang ako. Naubos ko naman yung isa pa at umalis na yung katabi kong babae. Iniisip siguro nun na pinopormahan ko siya. Kapal naman ng mukha nya.
Paborito kong command sa win xp ay yung net send. Magsesend ng message sa kabilang computer. dati , habang nagiinternet ako at may isinama akong kaibigan. Sinubukan ko sa kanya at nagtaka kung sino at paano nalaman yun pangalan nya. Tinuruan ko sya at biruin mo namang nag-akit ng away sa message niya. Tumingin tingin yung nasendan at parang napikon. Marami yata yung kabarkada at parang handang makipag-away. Inakit ko na lang yung kasam kong umalis at baka mapaaway kami.

1 comment:

Anonymous said...

dyornal.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading dyornal.blogspot.com every day.
payday loans alberta
payday loans in canada