Thursday, February 10, 2005

:: A Love Story (1)

11:05 PM 2/10/2005
-------------------------------

Si Lala, siya ay uhuging bata at nakain ng kulangot. Yun ang nagustuhan ko sa kanya...H ah ah! Pangalan pa lang niya ay para kang nakanta ng isang himig na nakakapagalis ng mga problema. Tulad ng mga ibon sa ilalim ng puno na inaawit ang tono ng paligid na nakakapagpakalma ng mainit na hangin. Naks, malalim... Ah siya yung klasmeyt ko ng buong highschool . Alam ko nung 1st year HS, nakaupo ako sa pinakaharap pangalawa mula sa kaliwa at siya ay pinakagilid sa kaliwa at pangatlo mula sa harap. Kung ako ang knights sa chess (yung kabayo ), pwedeng pwede ko siyang kainin. Ako ay isang bibong estudyante nung 1st year (highschool)at nasa top 10. Naging kagroup ko yata siya sa grouping para sa physics camp...nalimutan ko na. Kung hindi ako nanaginip ay siya yata yung babaeng may buhok sa kili-kili. Ah, exotic, gusto ko yuun. (Ewan ko lang kung gawa-gawa iyon ng isip ko dahil sa lagi siyang nagpapansin sa atensyon ko noon). Minsan noong camp namin, kasama ko itong andeng (andrea) na maganda at kamukha ni aki rose ng final fantasy. Type ko siya noon. Natuwa nga ako ng magcacamp kasi kasama ko siya sa tent. Kaso binaha ang tent namin kaya sa room kami nalipat. Ayaw ko naman dun kasi gusto ko sa tent. Nakitent ako kina harry potter (soon to be) aka tobit at si kamatis (marc). Umeekstra lang ako sa kanila kasi si kamatis ay kasakasama ko na nung elementary pa. Pareho pala sila ng trip na eraserheads kaya lagi silang magkasama. Ekstra lang ako nun kasi wala akong ganang manood ng mga beauty pageant na pinapalabas ng gabing yun. Nagsabihan ng crush yung dalawa at parehong pareho sila ng trip na babae, Si Andeng, Ren at Aynee. Ako, walang alam, nagimbento ako, si andeng, si... lala. Wala akong hilig nun sa mga ganon kasi priority ko ay mag-aral (Totoo!). Natawa na lang ako sa sarili ko at napansin ko na parang di lang nila pinapakinggan yung sinabi ko at parang sila sila lang din ang nag-uusap. Di siguro nila natandaan yung mga sinabi ko noon, buti na lang!. Alam ko na parang walang kahihinatnan ang mga iyon kasi kaming tatlo ay mga torpe, ako nga lang ang medyo mas maingay kaysa sa dalawa. Nung mag senior kami, naging loveteams (ewan ko kung love team ba ang tawag doon) sina marc at andeng, si ren at tobit, ako at si lala . Si marc ay kasa-kasama ko pa nung elementary at mahilig sya sa eheads at hilig naming pakinggan yung mga soundtracks ng dragon ball. Pinagtatawanan ko lagi yun kasi ang laki ng kamay. Nung mag4th year kami, naging basis siya ng banda (base na gitara). Kami naman nila tobit ay bumuo rin ng banda, si tobit naman na maliit ang kamay na parang babae ang basis at ako ang gitarista. Si tobit nga pala ay naging kaboardmate ko nung first year college sa may minesview (batang louisian) at ang dalas dumaan ngayon dito sa bahay para mangulit. Magbubuo pala kami ng banda kasama yung kuya nya... Pangalan , ako gusto ko ay papermint, naisip ko lang habang nagbyabyahe pero cool naman. Siya, nuong una, rocket sprockets, sunod yahoo clubs, korni.. sunod milk. Tumanggi naman ako kasi may sandwich na, may cheese pa, hindi naman kami tumutugtog para busugin ang mga fans (h ehehe). Ngayon gusto nya ay Goose Berries, parang pagkain parin pero ok lang din. Paano ako natuto ng gitara... nagnakaw ako ng songhits at may chords pattern noong 2nd year highschool ako. Nagpaturo ako magbasa at pagkatapos ay ako na ang nag-aral mag-isa hanggang sa madiskubre ko ang mga tekniks at patterns. Dun nagsimula ang music career ko. Minsan (1st year hs), Araw ng Patay. Pinagbabantay ako dun sa puntod ng ewan ko lang kung lolo ko o tiyo. Namatay na kasi sila bago pa ako ipanganak. Natanaw ko yung isang babae mga about 10-15 meters away. Nakasuot ng tshirt, yung may agila na dinesign namin para sa camp ng boyscouts at rovers. Si Lala pala yun, ibig sabihin ay nakikita ko na siya bata pa lang ako at siya yun. Ang saya-saya nilang pamilya. Taon taon ng araw ng patay ay alam ko na kung saan siya makikita. Pupunta lang ako sa sementeryo at titingin 10 meters away. Di ko nga lang alam kung alam nya na nandun din ako at nakatingin sa kanya. Naging boyscout ako at accidentally na naging Eagle Scout (pinakamataas na ranggo sa BSP). Yung iba nga, kasama yung bading ay ayaw matanggap ako, kasi di ako sumama sa venture moot camp. Medyo nagagalit na dati yung teacher namin na head ng girlscouts kasi yung mga member nila ay ginagawa naming mga rovers na pwedeng maging myembro ang babae. Nauubusan na sila ng myembro. Mas gusto naman daw nilang mga babae sa rovers kasi treated silang prinsesa at maraming activities tulad ng gunfiring, hiking, rapelling, boating atbp. Kami ang unang batch ng eagle scouts sa province at sa school kaya active na active kami sa activities. Vigil ng Boys scouts at rover, at ang gagawin ay ipipiring yung mga bagong member at dadalhin sa isang lugar para magdasal. Napunta sa akin si Lala, ang suot nya ay yung tshirt na may agila na naman. Ang ginawa ko ay pinaikot-ikot ko siya sa may school hawak yung kamay nya. Sinabi ko na may tubig, may bato at pagkatapos ay dun ko siya pinaupo sa taas ng graba na parang prinsesa na tumatae ng buhangin. Ha ha ha ha!. Isa pang di ko inaasahang nangyari, nung CAT ng 4th year HS. Kami ni Lala ang magkatabi at kami ang nasa gitna nung A sa human word na binubuo namin. Ang likot ko noon, kailangan kaming magkahawak ng kamay ni Lala. Sa kalikutan ko ay natapakan ko yung kuko niya. Di ko nga lang alam kung namatay. :( sa totoo lang ay hindi ko pinapansin si Lala, kahit lagi siyang napupunta sa atensyon ko. Mas gusto ko si Andeng. Kaso nagshare sa akin si Marc kung bakit niya nagustuhan si Andeng. Nakatira daw dati si Andeng malapit sa munispyo at katabi ng bahay ng pinsan niya. Crush na daw niya siya dati at nakikita simula pa elementary. Parang, nanlumo ako at naisip ko na mas deserving silang 2. Ang galing naman at nagkita kita kami sa isang higschool kahit galing kami sa ibat-ibang elementary schools. Si Tobit, di ko alam kung paano. Nagsimula lang ang luvteam nila ng pakialaman ni Jake yung pitaka nya nung 4th year at nakita yung picture ni Ren. Muntik na sya dating manuntok dahil dun. Kumalat bigla yung tinatago namin ng 3 taon. Si Marc, lumakas ng loob nung 4th year. Ako naman, ang nakakaalam lang ay yung seatmate ko nung 4th year na si apple at si bespren meravel. Si Meravel (aveY) pa dti at allan ang luvteams. Itong si allan ay maingay at pinagkalat sa lahat. Bigla na lang nalaman ni lala. Nagsimula tuloy syang umiwas sa akin. HIndi naman ako maiinlove ng basta basta. Yung kay lala ay nabuo ng ilang taon. Nasa isip ko noon na mawawala lang din siguro ito lalo’t graduation na at magcocollege na kmi sa ibat-ibang university. Kaso habang palapit ang graduation ay lalong tumitindi, noong valentines day ng 4th year ay nagnakaw ako ng lobo na pink at pinabigay ko para sa kanya. Ewan ko, di ako sanay gumawa ng mga ganon pero nagawa ko. Gusto ko ay gawin yun bago maghiwalay ang aming mga landas. Nung foundation day ng school pagkatapos lang ng valentines day ay may nagregalo sa akin ng stolen picture nya. Ewan ko kung paano nalaman ng tita nya at sinugod ako sa bahay...at sinasabi pa na eka eka (Bulacena accent yata) sya yung una nilang pamangkin at sila ay conservative. Nagbulaan ako na wala sa akin yung picture at pagkaalis nila ay sinunog ko na lang yung picture para walang problema. Kasi nasa isip ko lang naman yung mukha nya. Si mommy pala ang may kasalanan. Nakita nya yung picture sa cabinet at ikiniwento. Di ko alam na magkakilala pala sila ng nanay ni Lala. Tsismosa talaga si mommy at naiikwento sa mga kaoffice nya. Nabibigla na lang ako sa school kung may lower year na sasabihan na kumusta na kayo ni Lala. Mga anak pala ng mga kaopisina ni mommy. Ayaw ko talaga kay mommy na halos lahat ng ginagawa ko ay naikwekwento nya sa office kahit di naman ako gaanong makwento. Ako kasi ang panganay at nung bata ako ay dinadala niya ako sa office at ngayon na kilala si mommy sa office ay kilala pa rin ako ng mga dati nyang kaopisina. Lumaki na raw ako na dati ay parang walang muwang at inosente. Ang lahat ay busy sa pagpili ng papasukang unibersidad. Ako dalawa lang at saka yung ilang bumibista sa school para magpaexam, basta baguio. Gusto ko kasi yung pormang nakajacket at sa baguio daw ay malamig. Baka siguro maganda dung mag-senti at maglibot kasi tourist spot dun. Naging madrama ang pagtatapos ng high school namin. May mga nagkaaway pero nagkabati dahil sa aming mga adviser na pinaiyak pa ang klase. Ako wala lang. Wala lang dati akong paki-alam kasi wala naman akong kaaway. Mabait ako (Totoo, sabi ng mga tao). Ng graduation, maraming naisip na paraan para sulitin ang mga huling araw sa high school. Yung mga lalaki, nagpakabata ng isip. Nagkaroon ng school wide water gun war. Ginawa na naming ang lahat bago maghiwa-hiwalay. Sa totoo lang ay nalungkot ako pero di dapat hanggang dun lang. Mas masarap yung maghihiwalay-hiwalay saka magkikita-kita kaysa yun lagi kayong magkakasama. Dumating ang graduation at bago maghihiwalay ang lahat ay nagkaroon ng ball kinagabihan. Nagkwentuhan tungkol sa mga nakakatuwa at nakakatawang mga pangyayari ng aming highschool days. Ako meron akong isa na lagi nilang pinag-uusapan. Di naman nakakatuwa. Nung second year, pinatayo ako ng teacher para iexplain yung isang tanong sa Science. Sumagot naman ako ng bibo. Syempre, with scientific knowledge. Alam ko naman talaga ang sagot. Paano ko kaya maieexplain kung di ko alam. Tinanong ako ng teacher namin, “Are you sure with your answer?”. Tumalikod na kasi ako agad at pabulong na “No maam”. Napalakas pala yung boses ko at narinig ng marami. Di ko naman sinasadyang masabi yun. Ngayon tuwing magkikita-kita kami, napag-uusapan yun. Hmmp, korni. Sa awa naman ng Diyos at lahat ng inexaman ko ay nakapasa ako pati yung pagpapari sa Pasay. Sa Baguio ang napili ko. Excited talaga ako nun kasi gusto kong mahiwalay muna sa bahay at mabuhay ng mag-isa. Mahihiwalay na rin ako sa mundo at tamang tama yun para baguhin ko ang personalidad ko sa college.

No comments: