Saturday, February 12, 2005

:: A Love Story (2)

Di ko inexpect na pareho pala kami ng papasukang university ni Lala. Sabagay, matalino din naman siya. Hidden meaning… matalino ako… Dito rin sa Baguio nag-aaral sina Avey at Allan, saka Tobit at Ren. Mga loveteams ng Highschool. Naging aktibo ako sa kanya nung first year college. Muntik na kami ni tobit na mapaaway dahil sa pagpapadala ng sulat ko sa kanya na di naman nya nabasa kasi nabasa ng ulan at nawala pa kami ni tobit kasi ang daming paikot-ikot. Sa bahay ngayon na tinutuluyan ko ay katabi ng bahay nila noon (yung di namin mahanap hanap tapos nasa harap na pala namin bago kami sumuko). Kinaibigan ko lahat ng board mates nya at nabibigla na lang ako na kilala pa rin nila ako. Ang isa sa di ko malilimutan ko ay nung b-day nya. Nagkunwari yung ate nila sa b.hauz (barding house, ganyan ang spelling niya pag sa text) na galit sa kanya at kinuntsaba ko naman yung mga classmates namin nung high school para sa surprise. Sinamahan ko sya nang gabing yun kasi di raw nya makita yung ate nila sa b.hauz at galit sa kanya. Pumunta kami sa mga kabarkada ng ate nila. Syempre kontak sa b.hauz nila , kung nakaluto na at nakahanda na yung cake at yung ilaw. Sinabi ko uwi na lang muna siya at mawawala rin yung galit nun. Pagtapat namin sa pinto ng tinutuluyan nila ay ako ang kumatok ayon dun sa code knock na hinanda namin. Pumasok kami sa madilim na madilim na sala at biglang...WWWWALLLLA... nandun ang lahat, may cake, masarap na foods. Kaso wala akong ganang kumain (weird!) kaya tumikim lang ako nung cherry na toppings ng cake. Tapos kwentuhan ang lahat habang ako ay di makapaniwala sa mga ginawa namin. Exciting pala.. exciting ang manloko ng kapwa. tapos umuwi sa bahay...natulog. Nakakapagod din pala... :o Zzzz. Madalas ko siyang sinasamahan nung first year (college na kami). Kung may meeting sa school sumasama ako kahit hindi ako nakikinig. Ewan ko lang kung bakit kahit tumanda na ako ay habol parin ako ng kahihiyan. Hindi yata naalis yung pagiging hari ko ng sablay( Naks, ginamit yung soundtrack). Sablay yung mga plano kong sinulat ko pa sa papel. Minsan habang nasa meeting sa school at kasama ko sila ni Pauline na bespren nya. Tinuro ko yung isang teacher. sabi ko , "yun yung teacher namin sa math yung naka orange". Medyo napalakas yung boses ko kaya sa aking nagtinginan yung mga tao sa harap kasi nakaorange din ako. Sabi ni Pauline "Nakakahiya talaga ang maging kasama ka". Nalungkot ako kasi, malamang si Lala ay nadarama din yun. Tumagal din at halos di na kami nagkakasama. Napagod na rin siguro ako kasi medyo mahirap ang mag-entertain ng babae. Baka di pa siya handa sa isang alila. Hindi na kami gaanong nagpapansinan. Kung minsan ay kung may birthdayan lang at kung nagkakasalubong ay tingin lang. Di ko lang alam kung sino ang umiiwas sa amin. Halos dalawang taon kaming ganun. Walang usap-usap, tingin -tingin lang. Kasama ko yung mga blockmates ko na napakaingay na kung may nadaan,sinisigawan. "Kumusta kumusta" sabay Psst!" Nangunguna si Jess at si Allan na highschool classmate ko. Tapos sasabihin na hindi ka na namamansin ha" kapag lumalayo. SIno ba naman ang hindi mahihya, kaya halos lahat ng babaeng dumadaan sa may teritoryo namin ay naihiya ng dumaan. Kaya siguro maraming galit sa block namin, kasi kami lang yung bloack na mas marami ang lalaki kaysa sa babae. Madalas kaming tawagan ng teacher namin sa History 1 na gangsters. Naging bisi ako sa org nun mga oras na di kami nag-iimikan. Iyon ay responsibilidad na di ko inakalang dadalhin ko mula sa probinsiya. Wala akong inasikaso kundi mag-aral(hmmpp), at mag-libang (ok) at makipagmeeting sa org at mag-hatid ng mga sisters. Habang bisi ako nun ay naiiayos ko naman ang sarili ko. Nagkaroon ako ng self-confidence at tamang pag-galaw. Naalis ang pagiging lousy ko (Totoo ba yan?) at marami akong nakilala na ang turing sa akin ay modelo. Ewan ko lang kung bakit, medyo parang may pagkaseryoso raw ako at organized pero may humor naman. Sa org nga ay ginawa akong vice. Ng mga time na yun, nalimutan ko na siguro si Lala kasi hindi na ako nananaginip sa kanya. Hindi ko narin siya nakikita sa sementeryo sa aming probinsiya kasi namatay yung lola ko nung 2nd sem ng 1st year at iba na ang binabantayan kong puntod kasi si Lola yung kauna-unahang namatay sa mother side ko sa lugar at ang pamilya namin, mula sa daddy at mommy ko ay mga migrants ng probinsiya namin. Nadagdagan pa nung July ng Tito ko. Siguro sa tagal na hindi kami nag-uusap ay marami ng nagbago sa amin. Sa akin, sobra, alam kong hindi na ako nakakahiyang kasama(?). Siya nakikita ko ay lalong gumaganda (ang dami naman comment). Sa totoo ay gusto ko siyang balikan kaso pinipigilan ko ang sarili ko. Ewan ko lang kung bakit. Itinutuon ko yung pagtingin ko sa iba na nakakasama ko. MArami akong nakasama pero hindi natutuloy kasi nag-iisip ako na bumalik sa kanya. Siguro nga ay mahal ko pa siya noon kaya hindi ko tinutuloy yung iba kong balak. Hanggang sa lahat sila ay nawala na at nagkaroon ng sari-sariling boyfriend. Pero hindi ako nalungkot, kasi hindi na ngayon ako ang may responsibilidad na maghatid sa mga bahay-bahay nila. Yes!! Kasama kasi si lala sa org. Yung org kasi ay Christian Org. Kahit minsan ay hindi siya sumama. Ang dasal ko lang sana ay maisama siya kahit isang beses lang at huwag umiwas dahil lang nandoon ako. Nalaman ng block yung sa amin noong hs dahil sa kaingayan ni Allan. Siya yung kaklase ko nung highschool na nagkalat din nung feelings ko kay Lala. Sa totoo lang ay kaklase ko siya (allan) simula pa ng kindergarten at minsan ay di pa kami naghiwalay. Hindi kaya kami nagsasawa sa mukha ng isat-isa. MAy iba na siyang gustong babae at madali naman nyang makukuha kasi siya yung isa sa mga hearthrob ng school. Ako, umaasa lang sa chance at miracle. (self pity is not good)
-----------------Saturday, February 12, 20059:58:53 AM
Noong november 26 nga ay nakisaksak ng sim si Joe at dahil doon ay nawala yung sim ko. Lahat ng number kasama yung mga number ng mga klasmeyts ko at magulang ay nawala. May isang mahalagang aktibiti ang org sa Baguio at gusto kong akitin sina Tobit at iba pa sa SLU. Sa lunes na iyon at hindi ko pa alam kung paano ko sila masasabihan. Ang tinext ko ay si Lala kasi siya lang ang may number na memorized ko. Kahit nga number ng mga magulang ko ay hindi ko alam. Sinabi ko na pakibigay yung number nila sa akin at kung gusto nya ay sumama na rin siya para masaya kaming lahat. Ang tagal ko siyang hindi nakatext, halos mag-dadalawang taon. Lunes, pumunta na ako agad sa meeting place at isa ako sa nauna sa mga host kaya ako ang taga-entertain ng iba. Dumating silang 2 ni Pauline at hinihintay namin yung iba (sina tobit at avey)kaso hindi sila dumating kaya kami-kami na lang ang magkakasama. Sa camp 3 yung pupuntahan kaya medyo matagal ang biyahe. Nagkwentuhan kami nang mga ginawa namin. Noon lang kami nakapag-usap pagkalipas ng halos 2 taon kahit nasa iisa kaming school. Ako kinuwento ko yung pununtahan ko nung sabado. Umaakyat ako sa bundok kasama yung lider ng org at dalawang babae doon sa Mt. Cabuyao. Doon sa bundok na may 2 malaking dish. Sabi ko sa kanya, iyon ang aircon ng Baguio. Kitang-kita iyon na parang tenga ni Mickey mouse sa bundok. Napagod na siguro kami sa kauusap at tumahimik na lang. Mahangin at malamig. Hinahangin ang mga buhok nya kaya habang nagbyabyahe ay hawak nya ng isang kamay ang mga iyon. Nakabonet ako noon at ang buhok ko ay mahaba rin. Pinahaba ko ng halos kalahating taon. Pero kahit nakabonet ako ay di ko binigay. Ang lamig kaya saka ayaw kong magpakagentle man dahil nakakasawa na. Pero nakatali ang buhok ko sa loob ng bonet. Galing ano?. Kinuha ko na lang yung pantali at binigay sa kanya. Akin na lang yung bonet. Ang ganda noong pony, bagay sa kulay ng damit niya. Parehong maroon. Yan, ok na, pareho na kaming masaya.! Niregalo ko na lang iyon sa kanya. Pagkalipas ng mahabang biyahe, mga humps at tilamsik ng mga minifalls sa daan, sa wakas nakarating din kami. Iba na ang klima sa lugar, medyo mainit hindi kagaya sa Baguio. Mas malapit na ang lugar na iyon sa LA Union kaysa sa BAguio. Mahabang lakaran papunta sa main site. Ewan ko, baka nagalit sila kasi ang sabi ko ay mag-aalaga lang sila ng mga bata, magpapalaro at mag-papakain kaso iba pala ang gagawin, Magbubuhat ng mga bato at buhangin. Nabanat muli ang katawan ko. Nagbuhat ng mga buhangin at marami daw bahay ang gagawin doon. Isa akong volunteer sa pag-gawa ng mga bahay para sa ating mga kababayang walang tirahan. At alam ko na nakakatulong ako kahit pakonti-konti lang at sabagay, college pa lang ako. Naging busy kami pareho, ako sa pagbubuhat ng mga buhangin, sila sa pag-iipon ng bato. Kahit ang payat-payat ko ay nagbubuhat ako ng marami para naman makita nung mga guest namin na hindi lang kami nagbabait-baitan. May ibat-ibang org na sumama. Last year sa Pangasinan kami pumunta at marami rin kaming naisama sa ibang org kaso pagnagkikita-kita kami, hanggang tinggin na lang o di nakilala ang isat-isa. Nagpahinga kami ng tanghali para kumain. Kumulimlim ang langit at parang aambon. Mabuti na lang at dala ko ang paborito kong payong. 3 folds, itim at mga 300 ang bili ko kaya mahalaga para sa akin. Bakit kaya may mga bagay akong mga sobrang pinapahalagahan at may mga bagay na binabaliwala. Nabusog kami sa dami ng pagkain kahit nakakamay lang kaming lahat. Buti na lang at pinayagan na kaming umuwi pagkatapos naming kumain. Bumaba kami sa school at nagpasya kaming humiwalay na. Gusto ko na sanang umuwi kaso nagrequest yung dalawa ng pagkain. Hindi na nakakapagtaka kung bakit tumaba sila ngayong college. Tutal daw ay matagal na kaming hindi nag-uusap ay chikahan na muna kami, sa Jollibee. Ikinuwento ko lahat ng mga ginawa ko pati yung picture namin ni Kitchie Nadal at noong kainuman namin sina Barbie, True Faith, at nung bago pang labas ni Kitchie Nadal sa bagong banda niya . Nung last December (2003) yun sa may Summer place Hotel. Iyon ang time na kasama ko ang kuya ni Tobit na si Mark. Kasama din si Jeany(tama ba spelling). Muntik kaming mapaaway noon sa barkada ng dating boyprend ni Jeany na nililigawan noon ni Mark. Si Mark ay panganay sa kanilang magkakapatid at matino naman bilang kuya. Buti naman at walang nagyari pero utu-uto namang itong si Mark na nagmumukmok na dapat ay inaway na niya ang mga iyon. Feeling kasi niya ay hindi niya naipagtanggol si Jeany. Naging mahaba ang pag-uusap namin nila Lala at Pauline. Lagi talagang magkasama ang dalawa. Kung ililibre ko si Lala kailangan kasama si Pauline. Para silang kambal tuko. Nang mapagod, iba naman ang trip namin. Mag-video-oke.! He he he...magkakatinginan kami ng galing. Noong una, nagkakahiyaan sa pagkanta, mayamaya ay nag-aagawan na ng mike. Sabi ko noon, si Lala na ang mauna kasi member siya ng choir ng simbahan sa lugar namin. Sabi niya sabit lang daw siya doon. Humble!!! Kinanta niya yung 214 at Eversince the world began ng survivor. Ako yung mga coldplay, tulad ng The Scientist at tska yung stairway to heaven ni Led Zepellin. Yabang talaga...pahumble pa kunwari pero na 100 naman nya yung 214. AKo pa pala ang pinakamababa noon. Malas yata yung the scientist. May kilala akong kumanta din nun, at siya ang naging lowest. Is this a concidence!!! tumutugtog ang The scientist sa media player. Ohh! its such a shame for us to part... I'm going back to the start... I was just guessing, numbers and figures.. Questions of science.. So tell me you love me.. Running in circles... Nobody said it was easy... Take me back to the start..
Makagutom, break, kain muna... Music: Playlist: Beautiful – flickerstick Beethoven, Ludwig van - Love Story Counting Blue Cars – Dishwalla Love Song – 311 Angels or Devils – Dishwalla
Enya – Carribean Blue
Busog… sarap talaga ng pansit canton
Yun! Pagkatapos naming magvideo-oke ay umulan ng malakas. Sa SM ba naman na ang hirap sumakay ng taxi kami napadpad. Basa na kami ng makasakay. Nung mga time na yun ay halos magkatabi lang kami ng bahay (my 3rd house) kaya matipid sa taxi. Bali wala, ako lang din ang magbabayad. Ako,nakaka-apat ng bahay na nalipatan. Yung una, kasama sina Tobit at Allan. Nung dumating yung kapatid ko ay lumipat kami sa bahay na katabi ngayon ng bahay na ito. Nakikita ko pa nga ang gate sa labas ng bintana ko. Sa totoo lang ay masaya ako ng araw na iyon kasi nadala ko siya sa org for the first time. Tsaka halos lahat ng jokes at test ko na di ko magawa sa iba ay gumana sa kanila. Ha ha ha!. Katulad nung onion-onion ni marvin,yung milk atbp... Sa aming block, may labanan ng mga joke, teacher versus student... at si marvin yung panlaban namin. Kaso ngayon, natatalo kami ni Bugs.

1 comment:

misu said...

nakakatuwang basahin.. detalyado talaga!!