Sunday, February 13, 2005

:: A Love Story (3)

December 2:
Bumabagyo daw. Walang klase pero pumasok pa rin ako. Mukha namang mahina ang ulan at hangin. Yung school kasi namin, kahit halos lahat ng ibang school ay wala na, minsan tuloy pa rin ang klase. Umuwi ako ng bahay. Nagtataka ako at ayaw mag-start ng computer ko. Nasira pala ang hardisk at lahat ng mga files ko, Kasama ang mga music kong kinolekta ng ilang taon ay nabura. Halos mabaliw ako kasi, ang laki nung kawalan at marami akong nagastos para madownload ang mga iyon. Sayang ang mga music na nanakaw ko. (Baka siguro naman karma). Lalo pa akong nalungkot ng dumating ang kapatid ko at sinisi pa ako lalo. Nababaliw na ako noon. Ahhhh!. Sabi nga ni Tobit ,parang hindi ako kuya kasi ako pa ang pinangangaralan at inuutus-utusan ng kapatid. Ganon na talaga, nawala na ang respeto ng lahat ng kapatid ko sa akin. Kung hindi dahil sa kapatid ko, walang computer, walang pera. Kasi malakas siyang mag-hingi ng pera. Malambing siya, eh ako, walang katalent-talent sa ganon. Mahina talaga ako diyan. Siya, nasa Dean’s List at malaki ang tuition. Ako, wala pa sa 1/3 ng sa kanya pero bihira akong makatanggap. Madalas ay hati pa kami. Naiinis lang ako kasi Dean’s Lister siya pero madalas siyang magpaturo sa akin at puputulin ang tulog ko dahil lang sa isang tanong. Ako, nasanay akong mag-aral mag-isa kasi madalas akong nag-isa. Nakakatamad sumama sa mga kablock ko kasi may mga kanikanya silang inaalagaan. Ako, di sa akin uso ang libro. Nagdowndownload na lang ako sa internet ng mga ebooks. Sa library naman, kapag walang magawa, nagbabasa. Pero madalas, natutulog. Gusto kong mapag-isa kasi yun lang ang time na nakakapag-isip ako ng matino. Nabasa ko sa isang second hand book sa may Book Sale sa SM, na ang lahat ng tao ay sobrang busy sa kanilang buhay na nalilimutan nilang huminto kahit ilang minuto lang at pag-isipan ang susunod na hakbang. Magkaroon ng meditation at mag-yoga. Sulat iyon ng isang monk na Buddhist o (? hindu). Hindi ko na maalala. Pero epektibo daw iyon para mawalan ng stress sa napakabusy nating buhay. Isa pa pala iyon sa aking gawain, magbasa sa mga bookstore. Nakakabasa ako ng buong libro kahit pakonti konti lang. Napakaboring kasi ng buhay ko kaya naghahanap ako ng mapaglilibangan ng ako lang mag-isa. Sa totoo, sa kwartong ito, halos wala lang akong sariling gamit. Ang tangi ko lang nabili ay ang gitara kong 400 pesos. Ang kapatid ko, may digital camera mp3 player atbp. May utang pa nga ako sa kanya kasi nasira ng kaibigan ko ang player nya. Balik tayo… nababaliw na ako kasi nasira yung computer. May nagtext sa akin, isang Sun Cellular na number. Yun kasi yung time na nauso yung 24/7. Si Lala raw siya at kabibili lang nya yung sim. Adik kasi ang babaeng ito sa text.Naalala ko na may binili kaming Sun Sim nung last November 5 at saying naman yung load. Nagpalit ako ng sim at dun ako nagtext. Kinuwento ko sa kanya yung nagyari sa computer ko at parang nababaliw na ako. Ang dami ko talagang nasasabi sa kadesperaduhan ko sa gabing yun. Naikwento ko na nag-inom kaming block last day nung last sem at nagsuka ako for the first time. Ako ang naging biktima ng masalimuot/walang kwenta na gabing yon. Sabi nila kung anu-ano daw ang sinabi, na unfair ang generation at bakit ang kasalanan ay kung ano ano. Naikwento ko yung mga aral nung isang pastora na nagtransient sa aming boarding house ng isang gabi. Naitanong ko lang kasi kung paano kapag ang lahat ng pinaghihirapan, pinagpapawisan, pinagaaksayahan ng oras ay wala pala, wala tayong tamang tinutungo. Ang naging sagot lang ng pastora, hindi yun maari kasi sayang ang mga pinaghirapan niya. Inakit ko pa nga si Lala ng inuman habang katext. Sabi nya, hindi pag-iinom ang solusyon sa lahat ng problema. Kinabukasan babalik lang din ang lahat ng problema mo. Nakikisimpatya pa nga raw yung panahon sa feeling ko. Sabi ko naman, mahirap talagang kalimutan ang isang bagay na napalapit at napamahal sayo ng mahabang panahon. Ilang taon ko ring inipon yung mga music na yun at yung mga pictures namin last week sa camp 3 ay nabura din. Loko loko ba naming itext na “World’s gr8test lie: at certain point of our lives, we lose control of wats hapening 2 us & our lives bcum controlled by fate – d alchemist” . Di ko alam kung saan galing yun pero alam ko na mula sa isang movie, tama ba? Parang biglang umapoy (naks, parang nagsuper sayan) yung nararandaman ko para sa kanya ng gabing yun. Gusto man pigilan para di na siya umiwas ay parang lumalabas pa rin sa mga sinsabi ko. Naging mahaba ang pag-uusap naming ng gabing yun na parang sinusulit namin yung oras at lahat ng mga panahon na wala kaming communication, at tsaka, syempre sinusulit din naming yung load ng 24/7. Kinabukasan, nabalitaan ko sa TV na matindi pala ang epekto ng bagyo sa probinsiya namin at ang daming namatay. Tinxt ko ang mga magulang ko at sabi nila ay OK naman daw sila. Nanlumo ako sa balita dahil first time kong makakita ng ganong karaming patay sa aking lupang sinilangan (sinilangan: noun kung saan ka pinanganak). Yun yung time na matunog yung name ng province namin at parang ang lahat ng bagay ay nagsisimula ng magunaw. Parang ayaw yata kaming pag-usapin ng panahon ng gabing yon kasi ang daming namatay. Halos araw-araw, gabi-gabi kaming nagtetext dahil sinusulit namin yung load. Tsaka siya lang naman ang alam kong may sun na number. Bawat nangyayari sa school, sinasabi namin. Pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos ng bagyo, sabado, nagbalak kami ng overnight sa bahay nila Dennis. Kaming mga magkakaprobinsya sa Baguio. Sinundo ko sila Lala sa bahay nila at pumunta kina Dennis na halos ilang buwan ko ng di nakikita. Pag dating namin, nagsigawan sila na bakit noon lang ako nagpakita. Namimiss daw nila ako. May pupuntahan daw muna sina Dennis at Tobit sa school nila kasi may papanoorin daw silang play na required. Ang naiwan lang ay ako at tsaka sina Lala at Pauline. Pero umalis din kaming tatlo at pumunta ng SM para maggrocery at mag-rent ng VCD na panonoorin namin kapag dumating na sina Tobit. Adik talaga sa text si Lala, kahit sa grocey ay nakahawak sa cellphone nya. Sa totoo lang ay nagseselos ako noon sa cellphone nya na parang sana ay hindi na naimbento ang cellphone. Pag-kalipas ng isang oras na shopping ay bumalik kami kina Dennis. Dumating kami, pero wala pa sina Dennis. Nagluto silang dalawa ni Pauline at ako ay nagpapatutog na lang. Walang imikan. Ewan ko ba ng mga panahong yun, kapag nag-uusap kami ang saya-saya ko, pero pag sobrang tahimik ay sobrang malungkot ako na di ko mapaliwanag. Iyon yung pakirandam ko nung highschool ako habang nakatitig mula sa bintana ng klase sa malawak na palayan, o kaya ay nagmamasid sa mga puno, sa bundok at sa malawak na damuhan sa tabi ng bahay namin sa probinsiya kung saan malayang nabubuhay ang mga baka at iba’t-ibang ibon (syensya na makata talaga ako). Sa totoo lang ay naisulat ko na yung pakirandam na yun ng highschool ako kaso di ko na alam kung saan napunta. Ang alam ko ay nilagay ko noon sa lata ng Bear brand at binaon ko kaso pagkalipas ng ilang buwan ay binuldoser yung lupa at balak daw tayuan ng isang building, isang department store yata. Mabuti na lang at hindi natuloy pero yung mga kwento ko nung bata ako ay nawala na. Kasama yung mga paintings, story, article na ginawa ko. Oo, bata palang ako ay sumusulat na kaso ayaw kong ipabasa. Nalimutan ko na nga yung ilan sa mga kanila. Dumating na rin sina Dennis at Tobit, at tumulong na rin sila sa pagluluto. Pagkatapos maluto ay sabay-sabay kaming kumain. Naiibahan ako sa gabing yun kasi… di ko maubos yung pagkain ko. Corned beef pa naman yung ulam kaso di man lang ako nakarami ng kain. Sa totoo lang, ako pangalawa sa pinalakas kumain sa aming block kahit ako ang may pinakamaliit na katawan. Pero sa speed, wala raw tatalo sa akin. Tinatawag nga nila akong Turbo man. Weird talaga ang gabing ito. Pagkatapos kumain, nagpahindag kami at inayos ang sala para sa mga nirent naming VCD’s. Si Lala talaga, di maiwasan na di hawakan ang cellphone nya. Kinabahan ako sa reaction nya. Nagtext kasi yung mommy nya na may namatay daw na Suril. Nasa isip namin agad ay yung tatay ng classmate namin ng Highschool. Engineer daw, at yung mga deskripyon ay pareho. Nalungkot naman kaming lahat. Pero ayaw muna naming palungkutin ng todo ang gabi kaya hinanda naming ang mga chips at rootbeer saka ang mga VCD’s. Di ko talaga feel na mag-saya na parang malungkot ako ng walang dahilan. Baka siguro dahil dun parin sa hardisk ko. Habang nanonood ng movie ay inaantok-antok na ako at nakahiga na. Ako, naubos ko agad yung root beer. Simula pa bata, ayaw kong may matira o masasayang sa mga kinakain ko, kahit sa beer. Ang lilikot ng lahat sa panonood ng isang suspense thriller na movie. Sa akin, typical na yung moving ganon kaso marami na rin akong napirata na movie katulad ng Texas Chainsaw Masacre. Mahilig akong manood ng horror kahit( lalo na) mag-isa. Hilig ko ngayon ay mga Asian horror kasi iba naman. (Naalala ko yung Poti anak ng Indoensia, tama ba) Humiga na muna ako na parag sobrang antok na antok, pero gising ang mga pag-iisip ko tenga. Pinakialaman ni Dennis ang cellphone ni Lala at nagbasa ng inbox at nakita yung isang name. Nagalit naman si Lala pero narinig ko yung pangalan. Dahil sa ganong reaksyon ni Lala, ay nag echo sa tenga ko yung pangalan. Nasa pangatlo na kaming VCD at mag-aalas dos na. Pagkatapos ay pinatulog ni Dennis sina Lala at Pauline sa kwarto nya at kaming mga lalake ay sa sala. Medyo natagalan ako sa pagtulog kasi ang lakas mag-hilik ni Dennis. Kinaumagahan, antok na antok pa rin ako, pero gising na sila at humirit pa ng isang movie. Pagkatapos ay umuwi na kami. Hinatid ko na naman sina Lala. Kagaya ng dati, ako ang magbabayad. Mauutak na babae! Hmmmp.! Kinahapunan ay inakit ko silang magsimba, ok lang daw kaso di sila makakasabay kasi may dadaanan sila sa Victory Liner. Para sa akin noon, ibig sabihin noon ay hindi. Pero ok lang kasi mas gusto kong mag-simba ng mag-isa, at ang pinakamahaba kong consecutive na nagsimba ay sem na ito. Hindi katulad dati na parang wala lang akong gana, pero noon, parang feeling ko ay kailangan kong mag-simba lingo-linggo. Parang iyon ay isang task na dapat kong gawin. Hindi tulak ng lipunan o kung sino, kundi ng sarili ko. Kailangan kong irehabilitate ang aking sarili. May paper nga akong sinulat para sa feeling na yun. Parang pag di ako nakasimba ay mababaliw ako. Bakit, kailangan kong ibalik ang faith sa Panginoon kasi habang nagmamasid ako ay lalo akong nanlulumo sa paniniwala ng tao sa Diyos. Nasusuka ako sa mga sinasabi nilang pananampalataya pero parang ang lahat ay isa lamang na laro. Hindi na love ang nakikita kundi ang pagsunod sa tradition. Kapag sinabi ng pari na "mahalin natin siya at pasalamatan", sasagot ang mga tao na "Iniisip namin siya at minamahal" na walang sincerity. Yung iba, pinapagalitan, pinapalo ang mga batang maingay. Sasabihin na magagalit si Jesus na parang ginawang panakot Sila sa tao. Ayaw na ayaw ko na tawagin ang mga maka-Diyos na may takot sa Diyos, mas gusto ko yung nagmamahal sa Diyos. Baliwala sa akin ang pagsunod sa isang Diyos na pinangungunhan ng takot. Para na ring mga Diyos ng Greek o Egyptian na ginagamit lang para mapasunod ang mga alila para sa mga sari-sariling kagustuhan. Oo nga at may mga taong malalim ang pananampalataya. Ngunit madalas ay sila yung mga taong hindi nag-iisip at di nagcricriticize kung karapat-dapat ba. Parang ako noon...he he he. Ang iba, tinatago ang kabulukan sa kapwa tao na parang walang Diyos na nakakakita ng kanilang mga ginagawa.

No comments: