Sunday, February 13, 2005

:: A Love Story (5)

Nagsisimbang gabi kaming buong pamilya na napakadalang mangyari kasama ang aming ama. Bihira lang kaming ihatid na nakasakay sa kotse niya. Kaya naman pala!, isa siya sa magsaalita sa simbahan. Naghihintay pala siya ng mga kuhang letrato ng kapatid ko na isa ko naming ikinanihiya. Pumunta ba siya sa simbahan para magpapicture. Nagigilawgaw ako at parang gusto ko nang umalis sa simbahan. Maganda ang awit ng choir. Kasama pala si Lala sa mga nakanta. Hindi ako mapakali sa upuan kasi ang lilikot ng kapatid ko kaya ng may babaeng dumating ay inalok ko agad ng upuan sabay takas at labas sa simbahan. Nagpalipas ako ng Pasko na parang isang normal na araw lang para sa akin. Natulog ng mag-hapon habang maraming taong bumibisita sa bahay at naghihintay ng aginaldo. Noong bata ako, kapag ganitong araw ay gustong-gusto kong manood ng mga pang-Paskong palabas. Mga kwento kung saan ang mga tauhan sa huli ay nagbabago at nagpapakita ng pag-mamahal. Sinasabayan pa ng mga musikang nakakaantig sa damdamin ko. Masayahin akong tao sa harap ng aking mga kaibigan. Ngunit kapag ako ay nag-iisa ay napupunan lagi ng kalungkutan. Mahilig ako sa classical music kasi yun ang mga musikang pinaghirapang sulatin at gawin. Naging mahalagang parte na ng buhay ko ang musika kahit pinangananak ako na walang kahilig-hilig dito. Nagtext sa akin si Lala kung gusto ko raw sumama sa isang part time job sa office ng kanyang magulang. Pumayag naman ako kasi 3 taon na akong sumasama sa ganon. Ganon din ang sinabi sa akin ni mommy na pinsasabi ng nanay ni Lala. December 29: Nagkita kami sa tapat ng isang grocery na lugar tagpuan ng grupong magtratrabaho. Kami ang huling batch na sinundo. Pinagkasya kami sa isang van kasama ang ilang mga magtratrabahong kabataan. May mga kasamang katrabaho ng nanay niya. Nakakapagtaka na kilala ako. Pinaglalaruan yata ako at dun ako pinaupo sa lugar na hindi naman talaga upuan. Nakarating din kami at marami na palang ibang tao na naunang magtrabaho. Naging busy kami kasama ng ilan naming classmates nung highschool. Sa pagtratrabaho ay kikita samaghapon ng 150 pesos lamang. Nakakapagod at nakakalito. Ganito pala kahirap ang maging accountant. Nagkaroon kami ng lunch break at sama-samang kumain. Ako, hindi nagdala ng pagkain at pinagkasya ang pera sa mga mabibili sa tindahan. Nakakatuwa lang itong isang baboy damo na inaalagaan ng mga taga-doon. Hindi rin basta-basta umiinom ng tubig. Mas gusto ang softdrinks o beer. Tuloy ang trabaho, nalipat ako ng lugar at naging magkatapat kami ni Lala ng pwesto. Wala kaming imikan samantalang maingay ang kanyang kaibigan sa pangungulit sa akin. Natapos ang trabaho at narecieve na rin namin ang hinihintay na sweldo. Umalis sa lugar at bumalik sa aming mga bahay-bahay. Sa pagod, natulog na lang ako. Sobrang busy ang linggong ito. Kinagabihan, may reunion ang buong batch namin noong highschool. Wala akong ganang pumunta at parang masama ang loob ko.Mag-isa ako sa bahay habang nag-papatugtog ng sobrang lakas. Patalon talon at bumabanga sa pader at sinasayaw ang mga steps ng mga napapanood kong palabas. Natingin sa salamin habang binubuka ang bunganga sabay ng liriko ng mga awit. May naiisip na akong paraan. Inencode ko sa cellphone lahat ng gusto kong sabihin kay Lala. Pagkatapos ng lahat ay sunod-sunod kong pinadala sa kanya. Sa sobrang tense ay naggitara ako. Parang bigla ko na lang nadama ang kahulugan nitong Umaaraw-umuulan ng Rivermaya na lagi kong natutugtog kung walang maalalang chords. Bigla na lang akong umiyak ng walang dahilan. Nakatanggap ako ng una nyang mensahe. Na-shock daw siya sa mga sinabi ko. Binago ko ang usapan at tinanong ko kung marami na bang tao dun sa lugar kung saan magkakaroon ng reunion. Sobrang dami na raw. Talagang reunion, ako na lang ang hinihintay. Dumating na ang mga kapatid ko kasama sina mommy galing sa isang post-Christmas party. Nagpaalam ako na pupunta sa classmates ko para sa reunion at nagpapahatid ako sa kapatid ko. Nakakapagtaka lang na pinayagan ako at sinabihan pa na dalhin ko na yung motor na gamit ng pinsan ko sa pagtratrabaho. Kakaiba lang kasi ayaw nila akong pagamitin ng sasakyan kasi kaskasero daw ako. Dumating ako, at ang lugar ay puno ng mga sasakyan. Lasing na ang lahat at talagang reunion. Nandoon ang mga di ko na nakikitang mukha pagkalipas ng 3 taon. May mga nagsuka na samantalang ako ay kararating pa lang. Dala ko ang gitara ko at nag-akit na magkantahan na lang. Maraming nag-aakit sa akin na tumagay pero hindi ako uminom kahit “ga-bladé”. Buong reunion ay nag-gitara lang ako at nag-aakit ng mga papalit. Maagang umalis si Lala. Gusto ko man siyang ihatid ay parang pinipigilan ako ng sarili ko. Hindi lumipas ang isang oras ay umuwi na rin ako. Ngayon lang ako umuwi ng hindi pa tapos ang party sa buong buhay ko. Ako yung taong sinusulit ang bawat oras. Kung uwian na, ako ay isa sa mga nahuhuling umalis. Pagkadating sa bahay ay humiga agad ako sa aking kama. Nakatingin sa dingding ng bahay. Narecieve ko ang text nya na paano ko nalaman ang lahat. Tinext ko kasi na baka iniisip na naman nya yung taga-Cagayan. Of all places ay tama pa, iyon ang rely niya. Sa totoo ay mas detalyado pa ang alam ko. Nasa journal ko pa ang lahat ng aking nakikita simula ng second year. Iba talaga ang nagagawa ng internet. Doon pa mismo siya nakatira, sa bayan ng mga pinakamalapit kong kaibigan sa unibersidad. Ngunit wala silang kaalam-alam, ako ang pinakamatanding vault ng impormasyon. Nalulungkot daw siya at naguguluhan. Sa totoo raw ay siya na ang umiinom ng gabing yun. Ako, kahit isa hindi tumagay kasi hindi pag-inom ang sagot sa lahat ng problema. Kinabukasan ay babalik lang din ang lahat ng sakit. Sinunod ko ang payo niya ng gabing nilalamon ng malakas na bagyo ang bayan na iyon. Inamin nya na ang lalaking iyon ang kausap nya noong nag-grogrocery kami at noong magkasama kami sa bus. Tama pala ang mga lumilikot sa isip ko noong mga panahong tahimik ako at magkasama kami. Kung hindi ako nagkakamali, yung lalake ay si BJ. BJ ang tawag ko kasi nakikita ko madalas sa may hagdan ng building namin. Kamukha kasi ni BJ na kapatid ni Jeany na girlfriend na ni Mark na kapatid ni Tobit na kaaway ko dahil sa pagkain. Napakasensitive ko talaga at parang may ESP na nararandaman ang bawat kilos nya. Nagpaalam ako para naman makapagpahinga siya. Ako, hindi ako umiyak kahit isang luha. Nakatitig lang ako sa ding-ding ng buong umaga hanggang makatulog ako ng mga alas-singko na. Kinaumagahan. Nagising ako sa isang malakas na palo ng aking mommy. Bakit daw ang tagal kong gumising. Umalis na raw ang mga kapatid ko para sa ikalawang araw ng trabaho sa opisina ng inay ni Lala. Sabi ko ay wala akong gana, ngunit pinagalitan pa rin ako. Dun ako napaiyak ng todo. Humagulgol ako habang nakatakip ang makapal na kumot sa aking mukha. Pagkalipas ng isang oras. Bumangon ako at lumabas sa aming bakuran. Kay ganda ng araw. Kaunti lang ang ulap kaya kitang-kita ang maasul na langit. Inutusan ako ng aking mommy na sunduin ang pinsan ko kasi magpipintura kami ng bubong kasi hindi naman ako sumama sa pagtratrabaho. Pareho kami ni Lala na ayaw sumama. Gamit ang aking bisikleta ay mabilis kong sinisipa ang pedal at pinatakbo ng mabilis ang sinasakyan hanggang bumunggo ang harapang gulong sa isang batao sa daan. Hinagis ng bisikleta ang katawan ko papunta sa damuhan na tila ang lahat ng pangyayari ay mabagal gumalaw (navivisualize ba). Nakikita ko ang langit habang nasa ere. Bumagsak ako na nauuna ang aking likod. Wala akong sakit na narandaman. Ilang minuto akong nakahiga sa aking likod at nakatingin sa kalangitan. Bumangon ako at itinuloy ang paghanap sa aking pinsan. Wala siya sa lugar kaya bumalik na lang ako sa bahay at ginawa ang trabahong mag-isa. Pataas ng pataas ang araw at unti-unting nadarama ng aking paa ang painit na painit na bubong. Kinalas ko ang tali sa aking baywang at tumapak sa pinakatuktok ng bubong. Nasa pinakagilid ako at nakatayo. Kitang-kita ang taas ng aming bahay at ang babagsakang mga bato. Pinatong ko ang kanan kong paa sa hangin. Lahat ng mga ginawa ko at pakikipagsapalaran noong bata pa ako ay nagbabalikan sa aking ala-ala. Lahat ng mabubuti kong nagawa at lahat ng aking achievements na tanging ako lang ang nakakakita ay nginingitian ko. Tumitig ako sa ibaba. “May nahulog”, sigaw ng pinsan ko (naks, action). Sabay kaluskos ng bubong. Papaakyat na pala ang pinsan ko at nabitawan niya ang mga gamit sa paglilinis. Tinapos namin ang trabaho at pag-dating ng araw sa pinakataas ng langit ay nagpahinga na kami. Sandaliang natakpan ng ulap ang araw ngunit parang gumaan ang aking pakirandam. Ilang gabi akong gising at nakatulala. Bagong taon, bagong buhay, bagong pag-asa. Kinabukasan ay aakyat na naman ng Baguio sina Lala. Umabot ng alas-dose akong gising at tinext ko sa kanila na kung sakaling maiwan sila ng bus ay daan na lang sila sa bahay ng umaga at makisabay na lang sa amin. Ihahatid kasi kami papuntang Baguio. Nakatulog na rin ako. Nagising ako ng mga alas-3 at tama nga ang hula ko na maiiwan sila ng sasakyan. ANg mga bus kasi ngayon ay busy at mas prayoridad nila yung kabilang bayan. Dumating siya (mga 10 am)kasama ang mga magulang nya at iba pang bahagi ng pamilya nya. Pinakain naming sila ng tira sa di naming naubos na Buena noche. Nag-chichikahan ang mommy ko at inay nya at nag-iinuman naman ng napaka-aga ang daddy ko ay itay nya. ANg sayang tingnan ng nasa paligid ko.( he he he) Pagkatapos naming kumain ay umalis na ang sasakyan at susunduin pa ang ibang mga makikisakay. Ang sarap magbyahe sa isang lugar lalo na at kasama mo ang mga tao na mahal mo sa buhay. Maingay kami sa likod ng pinsan ko at nagbibiruan. Binigyan kami ng chippy na ayaw ko ang lasa ngunit sa pagkakataong iyon ay sarap na sarap ako. (nagets ba ang meaning) Mga alas-otso na ng gabi kaming nakarating sa Baguio at walang nagbago sa pagtulong ko sa kanya. Alam kong hindi dapat doon magtapos ang aming pagkakaibigan na lalong pinatindi ng bagyo, bagyo ng aming mga buhay( nakakatawa naman ako). Magsisimula na ang klase kinabukasan ngunit parang ang lahat ay walang ganang mabuhay dahil sa mga trahedyang sunod-sunod na dumaan. Nagkaroon ng tsunami sa Thailand na kaaraw ng lamunin din ng alon ang aming bayang pinagmulan (seacrh: tromba marina).

No comments: