Sunday, February 13, 2005

:: A Love Story (epilogue)

Lumipas ang mga araw at padalang na ng padalang ang aming pag-uusap. Lumipas ang ilang linggo ay nagkita-kita kaming magkabayan at napagdesiyunan na magkaroon ng gimik sa bahay. Nagkikita kami na parang walang nangyari ng Christmas vacation. Nagbabalak kaming magkapatid na lumipat sa bahay na mas malapit sa kalsada. Magandang balita daw kasi lalong lumapit kina lala at makakabahay namin si Tobit. Mapapadalas ang aming pagkikita-kita at pagsasaya. Naging sunod-sunod ang aming mga paglalakwatsa. Ngunit ang huli ay doon sa kwartong balak naming lipatan. Naging masaya kami ng gabing iyon kasabay ng mga awiting luma at ng aking kaibigang gitara. Masaya ako para kay Lala kasi masaya siya ng gabing iyon kahit alam kong ako ang mag-sasakripisyo. Pagkalipas ng ilang araw ay lumipat na kami ng bahay ngunit hindi sa kwartong iyon. Lumipat kami sa isang lugar na medyo malayo sa kabihasnan. Malalamig ang bawat gabi. Pinakamalamig sa lahat ng kwartong tinulugan ko.(Literally) Nasanay na akong mag-isa at bumabalik na ako sa katotohanan. Matatapos na ang maliligaya kong araw. Nakikita ko ang kahulugan ng lahat ng awit na pinapatugtog ko. Nakikita ko ang nararandaman ng Sugarfree ng sinusulat nila ang awit nilang Burn Out. “Kay tagal din kitang minahal,… kay tagal din kitang mamahalin”. Sana nga lang, ang mga sumulat ng mga awiting nagbibigay sa akin ng ginhawa ay tunay ang kanilang ibig sabihin sa bawat linya nilang idinadagdag. Binuksan ko ang computer at tiningnan ko ang picture naming magkakasama. Naalala ko na naman ang tshirt niya na may agila. Sa ngayon, lagi kong suot ang aking damit na ganon din ang tatak. Nakikita ko sa mga letrato ko ang tshirt na yon. Madalas ko palang isuot iyon kagaya ng pagsuot ni Lala sa kanyang damit. Masaya ako ng dinedesign namin ang tatak na yon noong high school pa kami. Binasa ko ang listahan ng mga musikang binigay ko sa kanya. Kasama doon ang mga rekordings namin ni Tobit, ngunit nandon din pala ang ilang kong komposisyon. Isa-isa kong pinakinggan. Unti-unting tumitimo sa akin ang kahulugan ng mga komposisyon na iyon samantalang hindi ko naman pinag-isipan ang bawat liriko. Ng sinusulat ko iyon ay kusa lang pumapasok sa aking isipanang bawat salita.

Walang Katulad
Ako!
Intro,
Verse ,Chorus
G - D/F#-Em-C9
Bridge Em-C9 G - D/F#

CHORUS:
Maghapon,
nakatunganga
Nakatitig sa naiiba mong mukha
Walang katulad,
walang kawangis
Ang iyong dalang tamis

Oh bakit sa maghapong naghihintay
Hindi ko man lang magawang mainip
Ngunit kailangan bang malaman o masabi
Kung ano ba talaga ang naririnigSa loob ng aking dibdib

(CHORUS)
Ang araw ay palubog na
Ngunit walang pagod na nadarama
Sa haba ng araw na tila kulang pa
Sa sinag ng langit, nakakaantok pag may iskwela
Walang epekto sa ganda mong bumubuhat sa mata

(CHORUS)

Ngunit sa haba ng panaginip
At sa makukulay na ngiti
Maraming ibon na ang nakatali (wala pang tamang lyrics, bahala ka kung anong gusto mo )At sa katotohanang di na maaaring

(CHORUS)
Last 2 lines of chorus
Chorus
1st 3 lines of
CHORUS
Ganon din ang iyong dalang sakit

Coincidence na naman, ginawa ko ito ng mga May ng 2004 ng walang dahilan. Gusto ko lang magcompose para may maipakita naman ako kay Tobit na mayroon din ako. Mayabang kasi yung taong iyon na sabi niya ay magaganda ang kanyang mga gawa.

LESSON:::(prang Jerry Springer show)
Hindi pala kailangan pag-isipang mabuti ang pagsulat sa isang awitin. Kusang dumadating sa atin ang bawat titik kasabay ng daloy ng ating puso at emosyon. Hindi ko inaasahang pagkalipas ng pitong buwan ng sinulat ko ang awiting ito ay magkakatotoo. Lumipas ang mga araw. Naipapakita na rin ni Lala ang kanilang relasyon sa publiko. Wala na siyang dapat ipagtago. Ako na lang ang natitirang kailangang gumalaw para ayusin ang mga nasa paligid ko. Gusto kong baguhin na ang lahat at ipaalam sa mga kaibigan ang katotohanan ng hindi na nila sigaw sigawan ang mga babae na dumadaan. (Mahirap yatang trabaho ito) Noong isang linggo, pumunta kami ng kapatid ko sa konbento sa may minesview. Kaibigan ng mommy ko. sabi daw niya kung may problema, punta lang daw doon. SIla pala nung boyfriend nya ay parehong nasa semenaryo. Pari pala ang boyfriend niya at di raw alam nila mommy kung sino ang naunang pumasok. Kakaiba talaga ang mga nangyayari ngayon. Minsan, mga isang linggo na ang nakakaraan, ay inalok nila ako ng mga kablock ko na makipagdate sa isang babae na may boyfriend na at manood kami ng sine. Sa kanila daw ang lahat ng gastos kasama na ang pagkain. Tumanggi ako kasi hindi tama na gawin ang isang alam nating mali sa likod ng isang tao. Simula noon ay tinawag nila akong dunker kasi daw parang nabalian ako ng kamay o nabading. Naninibago daw sila sa akin na isang boatman o SMB kasi sanay silang makita ako na may kausap na dalawa-dalawang babae. Para daw akong namamangka sa dalawang ilog. (Pero sayang yung mga pagakain, papahirapan ko sana silang magbayad) Nagbago na ako, naalis ko na ang mga bisyo ko. Palagay ko ay nagmature na ako bilang lalake. Nakaabot ako ng ilang buwan na walang pornogropiya na isa kong bisyo na di ko maalis sa loob ng mahabang-panahon. Ako ay isa sa may pinakamaraming koleksiyon sa komputer ko (mga Gbytes). Nakukuha ko kapag nireregaluhan ako ng mga CD na may kasamang maruruming letrato (dirty pictures). Ang mga letratong iyon ay mahirap na muling makuha ngunit nagawa kong burahin lahat. Ang mga babae ay hindi mga materyal na bagay lang. Kasama nila tayo sa pagtakbo ng panahon at nandiyan sila para baguhin tayo sa ating mga kamalian. Masaya ako na malamang hindi lang pala ako ang nagbago. Marami rin palang ibang tao na nasaktan ng nakaraang bakasyon, at ako ang nilalapitan. Ako na isang normal na tao ay hinihigian ng payo ng mga pusong sawi. ( he he he). Napakagaling talagang guro ng karanasan.Daig pa ang mga libro kong nabasa at mga salitang aking nadinig. (ooops, sige na nga,aaminin ko, totoo ang kwentong ito, obvious naman). Sunday, February 13, 2005: Natapos ko na rin ang kwento kong ito. Bukas ay valentines Day at sana, kung may makabasa man nito ay alalahanin ang kagandahan ng buhay. Huwag kayong malungkot. Be Happy!!!

Bakit kaya kung kailan windang ang mga tao...saka sila ginaganahang magsulat..baka after few months... kapag babasahin ko ito ay pagtatawanan ko ang sarili ko..Pero ok lang... gumaling akong magencode sa computer. Nakakarelease ng tension.Para namang di ako nasanay mag-isa... ako na ngang nagsabi na lagi akong nag-iisa.Kahit mahirap kalimutan ang tao na nakasama mo ng ilang taon, lagi mo pang nakikita...lagi mo pang nasasalubong... mas matindi pa nga siguro ang problema ng iba...Ito ay isang problem focused mechanism... Hindi, emotional focusedWag naman sigurong biological focused... baka di ako tanggapin sa langit.
Kaya siguro mataas ang grade ko dun sa isang subject dahil sa mga malalim kong pag-isip sa sem na ito. Pinag-aralan namin ang topic about online diary...

No comments: