Wednesday, February 09, 2005

::Love Story (Prologue)

4:18 PM 2/8/2005

Kwento ng aking rebelasyon sa pag-ibig...
Nakakamatay ito… Huwag gayahin sa bahay.
Ang mga tauhan ay kathang isip lamang at kung may pagkakataong maging katulad sa tunay na buhay ay huwag sumama ang loob. Basahin at tapusin para matuto.


Noong November 26 ay nakisaksak ng SIM card si Joe at kinukwento nya ang muli nilang pag-uusap ng babaeng mahal nya. Kahit nasaktan na siya ay nangangarap siyang ibalik yung mga nakaraan nya. Ngunit ayaw na nyang umasa pa dahil baka pa raw lalo siyang masaktan. Siya yung isa sa may magandang kwento ng pag-ibig sa org. Ishinishare nya ito kung ang topic ng talk ay about love at ilang beses ko ng narinig ang kwento nya.
Sa sobrang pagmamahal nya ay ginawa nya ang lahat para maligawan at mapuntahan ang mahal nya sa pinakasulok ng La Union. Sa kwento nya ay pumunta siya sa bahay ng mahal nya para magpropose. Kahit malayo at naninibago sa init mula Baguio patungong La Union ay tiniis nya. Ng marating nya ang baryo ay nagtanong tanong siya para matunton ang bahay. Nakasalubong niya at tinanong ang isang nakahubad na malaking mama. Parang galing sa military at nakakatawa mang isipin ay siya pala ang ama ng kanyang minamahal. Pero sinabi nya ang ang kanyang pakay at lumambot ang puso ng tigasing ama. Humanga sa ginawa nya at pinapasok sya ng bahay. Naalis ang lahat ng kaba ni Joe ng marinig ito.
Nagkaroon sila ng malalimang pag-uusap ng ama ng mahal niya. Naikwento na rin pala siya ng babae. Ngunit ang sabi ng ama nung babae ay wala siya sa bahay at ang alam niya ay si Joe ang kasama. Nalimutan ko na ang ilang detalye at ang key point ay hindi sya minamahal ng babae at minsan ay ginagamit daw ang kanyang pangalan para makaexcuse sa mga magulang. Syempre nasaktan si Joe at ako naman ay nalungkot para sa kanya. Dahil doon, naging inactive si Joe sa Org ng matagal na panahon.
Sa susunod yatang taon ay ako ang gagawing presidente ng org sa chapter ng unibersidad na ito. Natatakot tuloy ako kasi halos lahat ng magagaling na leader, (yabang) kahit hindi ako magaling ay may malulungkot na karanasan sa pag-ibig. Mas marami ang babae sa grupo kaysa sa lalaki at bilang lalaki daw ay responsibilidad na alagaan ang mga sis...
Sa totoo lang ay ang naging buhay ko sa loob ng halos dalawang taon ay umatend ng meeting, maggitara at mag-hatid ng mga sisters sa mga bahay bahay nila. Nakakalungkot mang isipin ay isa-isa silang kinukuha ng mga lalaki ng buong mundo at hanggang magbabalik ang lahat sa wala at mag-iisa ka na naman.
Si Joe nga pala ang chapter ng Org sa SLU at minalas siya sa pagibig. Yung dati rin palang presidente ay huminto muna sa pag-aaral at naghiwalay na sila ng kanayang gg na nasa loob din ng org. Mabuti naman ngayon at pareho na silang may mga bago at kapwa masaya sa bagong relasyon. Sana magbalik siya para ituloy ang pagiging presidente at hindi ako kasi ayaw ko talaga ang magsalita sa harap ng marami. Nakikipag usap lang ako kung one to one.
Ako naman ng mga panahong iyon ay isang barbaro, nomads, o walang karelasyon at walang kabuhay-buhay... Nabubuhay sa harap ng kompyuter, pagala-gala, mahilig maglibot-libot at kumain.

No comments: