Saturday, March 05, 2005

Dyornal

12:37 AM 3/5/2005

Ang dami kong kagalit ngayon. Kapatid ko, kaibigan ko , kabahay ko. Maraming naiinip sa akin. Siguro dahil sa kakaiba ako. Kakaiba talaga ako ng mga buwan na ito. Kahit ako ay hindi ko makilala ang sarili ko. Hindi organized ang buhay ko katulad ng mga gamit ko at higaan ko. Mabuti na lang at pumapasa pa rin ako sa mga klase. Isa nga ako sa mga kinungratulate nung teacher namin sa MS11. Siguro naimpress sa gawa ko kahit hindi ako gaanong nakikiimik at nakikihalubilo sa klase. Msarap din palang mag-isa. Wala kang aasahan, lahat ay ikaw ang may kontrol. Ako lang mag-isa lagi sa class na iyon. wala akong gaanong kakilala. Lagi akong nasa isang tabi na nakatanga at nagdradrawing ng mga nakikita ko. Exam namin bukas sa CS142. Medyo mahirap kasi puro proving. Kapareho nung subject naming CS55 na pure math na hindi pa naman noon napagaaralan ng mga math major. Muntik na ako dung bumagsak pero mabait si sir Bugs at pinasa pa rin ako. Kaya kahit boring siyang magturo ay matataas ang binibigay ko sa kanya pag-evaluation. Tinext ko kanina si Dhin at sinabi niya na Tayaw pala si Ms. D. Nalaman ko na ang pangalan niya. Vina Bernelli yata. Ibig sabihin ay tama si Marvin sa sinasabi niya. Ewan ko nga kung siya nga yung hula niya. Pero wala yun. Wala akong pag-asa dun. Anim na raw ang nanligaw doon at halos lahat sila ay umiinom daw yata ngayon. Ako, wala lang akong ginawa kundi sumulat ng pasasalamat. Wala naman akong balak kasi alam kng walang pag-asa. Nagpasalamat lang ako sa kanaya sa pagliliberate sa akin mula sa mga malulungkot na nangyari sa akin ng DEcember. Si LALA, maayos naman na siya ngayon. Medyo umiiwas nga lang kami sa isa't-isa kapag nagkakasalubong sa school. Ang liit talaga ng school namin na halos magkatabi lang pala kami,. Alam ko naman na kaya niya ako nilalayuan ay para hindi naman ako masyadong masaktan. Ang bait talaga niya. Nung isang araw, sinundo ako nila Tobit sa school at sabay kaming naglakadlakad sa Session. Session in bloom na pala. Nakita namin si Elcid, at habang papalapit kami sa kanya ay sumulpot naman ang dalawang kambal tuko na si Lala at Pauline. Nag-uusap uli kami ni LAla, pero kapag kasama lang sina Tobit. Nagngingitian pa nga. Nagbalak yata sina Tobit at Dennis kasi bigla silang nagpaalam na may pupuntahan. Sabi nila ay ihatid ko sila LAla para naman may tagapagtanggol sila kapag may humarang. Ayos lang sa akin ang lahat pero feel ko naman na parang umiiwas siya. Humanap na lang ako ng paraan para sabihin ko na hindi ako pwede. Tapos umalis na naga ang dalwang babae. Naiwan kami ni Elcid at inakit ko na lang siyang kumain sa 7/11. Pagkatapos ay nagkita sila ng kanyang mga kasama at naiwan akong mag-isa. Halos isang oras akong palakad-lakad at nagmumukmok. Gusto ko mangmalimutan na ang mga nangyari noong December ay bumabalik parin sa akin. Kahit nagpipilit akong ngumiti. Napapaiyak ako habang naglalakad. Sumakay ng jeep sa tabi ng driver at nakasandal ang katawan sa may pintuan habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Ang tagal mapuno kaya marami akong naiisip, masaya at malungkot. Dumating ako sa bahay, walang ganang kumain na naman. Hindi pala epektibo ang kain ng kain sa paglimot. Ginawa ko na ang paraan na ito ng buong January kaso mabilis naubos yung pera pero tumaba naman ako. Lagi dapat masaya para walang problema. Nasa sala lang, walang ganang kumilos. Nalulungkot man ay dapat maging masaya sa harap ng marami. Ang masakara kong iyon ang lagi kong ginagamit. Dumating yung isa naming kabahay... Nagtampo na kung bakit hindi pa raw ako nag-iipon ng tubig. Halatang matagal na niyang planong sabihin iyon sa akin. Pero wala talaga akong kabuhay-buhay. Lumipat kasi kami sa bahay na ito na sirang-sira pa ako. Kanina rin ay nag-tampo na si Tobit dahil sa pagkain na naman. Napikon yata sa akin ang pinakamagaling mag-asar sa buong mundo. Pangalwang beses na naming nagtampuhan dahil sa pagkain. Una ay noong nasa gibraltar pa kami kasi ayaw kong mag-ambag kasi konti na lang ang pera ko at yung mga pinadalang pagkain ng mommy ko para sa akin ay naubos agad namin ng ilang araw lang. Tapos, nagalit siya dahil masyado raw akong madaya. Ewan ko lang kung sinong may katwiran sa amin. Pero sa totoo lang ay siya lang ang nakaaway ko ng ganoon kaya medyo naiintindihan ko na siya. Pero sa mga sobrang personal na kwentuhan ay walang kwenta si Tobit. Dati, nagkwekwento ako ng halos magdamag tungkol kay LAla pero tinulugan lang niya ako. Lalo pa naga kong binabagsak kapag nagsasabi ako. Kaya ito, sa sulat na lang nilalabas ang mga gustong sabihin. Galit din ang kapatid ko dahil wala raw akong pakikisama, hindi ako tumigil sa pagigitara at sutil. Ewan ko lang, pero trip ko ngayon ang maging sutil. Parang laging gusto ko ng away, gusto ko pag may nasalubong ako ay may mag-aakit ng away kahit madami pa sila at ilalabas ko lahat ng tensyon ko sa katawan. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naexcite sa isang gulo. Dati, noong bata ako, kapag may nakita o narinig na akong nagtatakbuhan ay kinakabahan na ako.

No comments: