Sunday, March 27, 2005

Dyornal

6:26 AM 3/27/2005
Nagising ng maaga dahil sa sakit ng ulo. Hindi ko alam kung anong dahiln, ang lamig ba, ang pagod... Ngunit sa tagal ay bumangon din. Nagising sa lalim ng pag-iisip. Naalala ko ang mga araw ko dito sa Baguio. Mga panahong tila pantasya lang. Masaya, masarap ang paligid, malamig na gustong-gusto ko.
Linggo ng pagkabuhay ngayon at nalampasan ko ang biyernes santo na kakaiba sa lahat ng aking naranasan. Sa totoo lang, ilang taon na ako pero di ko pa rin nasisilayan ang mga tradisyon sa ganitong panahon. ANg pinitensya daw na madugo sa likod. Noong bata ako, hindi ako nakakalabas ngunit ng dumating ako sa panahon na maari ko ng makita, lagi kami ng aking magulang pumupunta sa bukid para daw makisabay sa paghiirap ni Hesus. Talaga ngang paghihirap, may pasan-pasan kaming mga prutas pag-uwi na halos mananakit ang iyong likod sa bigat at layo ng nilalakad. Sabi, niya, kailangan din daw namin maranasan ang mga paghihirap noon para magkaroon kami ng pagpapahalaga sa mga natatamo namin. Ngunit, sa akin, parang lalo akonh natakot sa hirap pala ng katayuan ng aking mga magulang ng kanilang kabataan.
Kakaiba ang linggo ng pagkabuhay na ito dahil wala ako sa aming lugar upang makasama ang akingpamilya. Tdati-rati, kapag dumadating ang ganitong panahon, ang naalala ko ay itlog... Bakit nga ba itlog, eh ang alam ko ay linggo ng muling pagkabuhay ni Hesus. Ngnit dahil sa tradisyon, wala tayong tinatanong, dahil sa tradisyon, tayo ay sumusunod.
Tatlong taon na ako dito sa baguio, ngunit sa mga panahong ito ko lamang narealize ang mga natatamo kong ito. May mga kaibigan, may mga kakilala, may mga nakakangitian kapag may nasasalubong.
Ngunit parang kulang pa rin.
Kakaiba ang sem na ito sa akin... Maraming, kalungkutan, maraming kasiyahan... at lahat kumbaga ay nasa tuktok na ng lahat. Masama lang siguro ang naging mood ko dahil sa mga dumating na sunod-sunod na kaguluhan at sakuna. Ang lugar kong kinalakihan ay nakaranas ng malaking baha na pumatay ng maraming tao. Nakakapanghinayang na wala ako sa lugar na iyon upang maranasan ko rin ang mga paghihirap ng mga naiwan ko. Dumating ang Dec 26, na nagkatidal wave sa Southeast asia, kaparehong araw ng magkaroon din ng tidal wave sa lugar kong nilakihan mga lampas 200 taon na ang nakakaraan. Tinawag nilan iyong Tromba Marina na sinasabing halos ubusin ang lahat ng tao sa aming lugar. Mahal na mahal ko ang lugar na iyon kahit ang aming pamilya ay mga migrants lang doon.
------------------

No comments: